How true kaya ang chika na pumatol si Enrique Gil 33, kay Andrea Brown 17, isang content creator?
Usap-usapan ang aktor na si Enrique Gil matapos lumabas ang mga ulat tungkol sa namamagitan sa kanila ng content creator na si Andrea Brown.
Kumalakat kasi online ang mga sweet pictures nila together habang si Andrea ay naka-kandong pa kay Enrique, tanong pa ng mga netizens ‘are they dating?’. Lumabas rin ang mga TikTok videos nila na magkasama.

Dito na pumalag ang isang Twitter/X user matapos aminin ng ina ni Andrea na ang kanyang anak ay menor de edad pa lamang.
Chika ng netizen : “@itsenriquegil it’s so disgusting that at your age of 33, you’re pursuing a 17 yr old, A MINOR. I’ve already advised you to just move on properly, and I’ve always had your back. What the f#ck I’m not the type to just sit this one out and this really doesn’t sit right with me.”
Dagdag pa nito : “Quen [Enrique] and Andrea Brown have been in contact since June, and they’ve been meeting up regularly this month. A few weeks ago, they had a staycation at The Farm Batangas, with Quen covering all the expenses He’s also offering her a role in a project he’s producing himself.”
Kinumpirma naman ni Arlyn Opeña na ang kanyang anak na si Andrea ay 17 years old pa lang sa pamamagitan ng isang komento na ngayon ay burado na.
Wika ng ina ni Andrea : “17 lang sya. Anak ko sya kaya alam ko kung ilang taon na sya.”

Kumalat rin ang ‘deleted’ post ni Arlyn noong August 28, 2021, kung saan binati niya si Andrea sa mismong kaarawan nito na noon ay 13 years old pa lamang, kung susumahin kaka-17 years old pa lang ng dalaga nitong August 2025.
Kung totoo man na may relasyon si Enrique kay Andrea ay tila suportado naman ito ni Arlyn, kahit kumalat na kasi online ang pagbati niya noong 2021 sa kaarawan ng kanyang anak ay tila ipinagpilitan pa nito na 18 years old na ang dalaga.
Say ni Arlyn : “Para matahimik na ang lahat. 18 years old na anak ko. Periodt! Kung may problema kayo jan wala na ako pake!”

Sa ngayon ay tila nakakatanggap ng samu’t-saring batikos ang aktor na si Enrique. Maging ang mismong ina ni Andrea na si Arlyn ay inulan na rin ng negative comments online.
Say ng netizen : “Hindi po adjustable ang edad, nay. Bantayan maagi ang anak.”
“Kaka 17 lang nan last august tas 18 na ngayon? Adjustable po pala mga age ng anak mo.”
“Sus artista lang kase eeh kaya pabor sayo pero kong di ‘yun artista baka sabihin mo bawal pa magjowa anak mo.”
“Kaka 17 palang ng anak nyo last august HAHAHAHAHA apaka supportive nyo naman po, okay na daw yun artista naman daw si enri ehhhh hahahahahah.” dagdag pa ng isa.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng kanyang pahayag si Enrique Gil tungkol sa tunay na relasyon nila ng content creator na si Andrea Brown.

