Menu
Eman Pacquiao, inamin na friends lang sila ni Jillian Ward.

As of now hanggang friends lang raw muna sina Eman Pacquiao at Jillian Ward.
Nilinaw ng boxer na si Eman Bacosa Pacquiao na sa kasalukuyan ay masaya siya sa pagkaka-ibigan nila ng aktres na si Jillian Ward.
Kung ating babalikan, lumabas ang mga ulat na nililigawan na ng boxer ang aktres, naging usap-usapan rin ang mga cryptic posts ni Eman sa TikTok na ni-linked ng mga netizens kay Jillian.
Cryptic post pa ni Eman : “I can fight 100 men who wants you but I can’t fight a guy who you want.”
Pagbabahagi pa ni Eman : “Wala namang specific ‘yung ano ko [posts]. About din naman ‘yun sa family and friends ko. Siyempre, close friend ko siya, gusto ko rin siya i-support at i-protect. Hindi as a lover. As a friend.”
Dagdag pa ng boxer : “We’re really good friends. Sinusuportahan niya ako. Sinusuportahan ko rin siya. As in, friends. Nag-uusap kami minsan. Lumalabas.”
Kung ating babalikan, inamin ng boxer na si Jillian ang kanyang natitipuhan o celebrity crush, naging usap-usapan rin ang aktres matapos itong nanood ng boxing match ni Eman sa Bohol.



