Menu
Eman Pacquiao, basted na kay Jillian Ward?

No more Eman Pacquiao at Jillian Ward na ba?
Viral sa social media ang tungkol kina Eman Pacquiao at Jillian Ward matapos mapansin ng netizens ang pagbabago sa bio ng boxer.
Nakasaad kasi sa TikTok noon ni Eman ang ‘JW [heart emoji]’, ngunit matapos ang mga sunod-sunod na cryptic posts ng atleta, tila bigla niyang binago ang kanyang bio at tinanggal na ang pangalan ni Jillian.
Cryptic post pa ni Eman : “I can fight 100 men who wants you but I can’t fight a guy who you want.”
Mukhang natapos na agad ang pagkaka-mabutihan ni Eman at Jillian kahit hindi pa ito nagsisimula.
Hindi lingid sa marami na may on-screen partner si Jillian at ito ay si Raheel Bhyria, napansin rin ng mga netizens na mukhang pinag-bawalan ng management ang aktres na maging malapit kay Eman.
Ani ng netizens : “For sure pinagbawalan na yan ng GMA kasi may kalove-team yan si Jillian. baka maiwan sa ere si Raheel.”



