Ellen Adarna, nagsalita tungkol sa blind item ni Xian Gaza.

Courtesy : Xian Gaza and Ellen Adarna
Courtesy : Xian Gaza and Ellen Adarna

Naglabas ng pahayag si Ellen Adarna tungkol sa pa-blind item ng pambansang marites na si Xian Gaza tungkol sa kanila ni Derek Ramsay.

Ayon kasi kay Xian, matagal ng hiwalay diumano sina Ellen at Derek at ang pinoproblema ni Gaza ay kung paano na ang hatian ng yaman nilang dalawa dahil wala raw prenup noong sila ay kinasal.

Post ni Xian : “Eh paano ngayon ‘to? Kasal sila [Ellen & Derek]. Walang divorce sa Pilipinas. Eh peso billionaire si celebrity guy [Derek]. May prenup bang pinirmahan si super famous celebrity girl [Ellen]? O waley?

Ang ibig sabihin ng ‘Peso Billionaire’ ay ang taong umaabot sa bilyones ang kanyang net worth.

Pahabol ni Gaza : “So meaning to say, may habol siya sa bilyones ni guy [Derek]? Tapos yung anak nila, may habol din sa yaman ng kanyang ama [John Lloyd]? Under the guardianship ni girl? Is this the masterplan from the start? Nautakan ba siya [si Derek] ni babae [ni Ellen]?

“OMG nakakaloka iisipin ko pa tuloy ‘to ngayon paano ako makakatulog nito mamaya mygaaahd.” say ni Xian.

Dinamay pa ni Xian Gaza sa post ang ex-partner ni Ellen na si John Lloyd Cruz, sinabi nito na hindi raw pinakasalan ng aktres si JL dahil wala itong pera at wala itong mapapala kung sila ang magkakatuluyan.

Chika ni Gaza : “Si JL [John Lloyd] hindi niya pinakasalan kasi wala siyang mapapala. Ang makukuha lang niya ay kalahati ng lupa sa paso at limang banig ng Biogesic.

“Pero etong isa [si Derek], pinakasalan niya agad-agad after a few months of relationship. Pinagplanuhan. Mautak.”

Courtesy : Xian Gaza post about Ellen Adarna, Derek Ramsay and John Lloyd Cruz
Courtesy : Xian Gaza post about Ellen Adarna, Derek Ramsay and John Lloyd Cruz

Dagdag pa ni Xian : “very good Baby Mama kasi hindi niya pine-pressure si Popoy [JL] magsustento sa bata eh malamang sa alamang wala ka namang mapipiga diyan kaya gamitin mo na lang pampaganda ng image mo para mapagtakpan yung masama mong plano grabe ka saludo ako sayo Mamshie napakahusay mo.”

Dahil sa mga pa blind item na ito ni Xian Gaza, agad na naglabas ng pahayag si Ellen Adarna at nilinaw nito na hindi ‘BILYONARYO’ si Derek Ramsay.

Pagbabahagi ni Ellen : “Billions? Oh my God, billions. The only billions… ang anino ng billions na nakita ko ay sa flood control lang. Oh my God!”

Ibinahagi rin ni Ellen kung bakit hindi niya pinakasalan si John Lloyd, aniya paano niya papakasalan ang taong hindi naman nag-propose? at nakakahiya naman kung siya raw ang gagawa ng proposal para lang pakasalan ng isang lalaki.

Pinayuhan rin ni Ellen si Xian Gaza na wag maliitin o ismolin si John Lloyd Cruz dahil siya ang tunay na bilyonaryo.

Say ni Ellen : “And huwag mong ismolin si Biogesic (Este… Popoy pala), because simple lang siya. Ikaw you don’t know, but ang asset [yaman] non?, I know! You know?

“At kung maki-marites na rin lang, at least get everything right, like everything. Mahirap naman sabihin na unreliable source.” dagdag ni Ellen.