Elisse Joson at Kobe Paras, may relasyon na?

Elisse Joson and Kobe Paras relationship
Elisse Joson and Kobe Paras

How true kaya ang mga bali-balitang may relasyon na ang aktres na si Elisse Joson sa basketball player na si Kobe Paras?

Ayon kasi sa mga ulat, ilang beses na spotted sina Elisse at Kobe while naka-holding hands habang naglalakad sa BGC o Bonifacio Global City sa Taguig.

May mga netizens naman ang nagsasabing baka ‘friendly gestures’ lang raw ito ng basketball player sa aktres kaya sila magkahawak ng kamay?

Bakit kaya sila magkasama? well hindi naman silang dalawa lang ang nakikita ng mga marites sa area ng Medusa, The Palace at sa Yes Please, dahil nakita rin na kasama nila ang aktres na si Alexa Miro, so more often by group sila na lumalabas.

Hindi lingid sa marami na kinumpirma ng ina ni Kobe Paras na si Jackie Forster ang break up nina Kyline Alcantara at Kobe Paras noong April 2025.

April 21 naman ay tuluyan nang in-unfollow ni Kyline si Kobe sa Instagram, less than a year lang ang itinagal ng kanilang relasyon na una nilang isinapubliko taong 2024.

Samantala, si Elisse Joson naman ay hiwalay na sa kanyang celebrity partner na si Mccoy de Leon.

Nakilala ang kanilang love team bilang McLisse ‘Mccoy and Elisse’ sa loob ng Bahay ni Kuya o PBB Lucky 7 edition at nagtuloy-tuloy na ang kanilang relasyon hanggang sa outside world.

Nakabuo ang kanilang pagmamahalan at pagsasama ng isang magandang baby girl na si Felize.

Kung ating babalikan, kinumpirma nina Elisse at Mccoy ang kanilang hiwalayan sa pamamagitan ng isang Instagram post noong July 2025 na may caption na “learning to let go”.

Sa ngayon ay hindi pa kinukumpirma nina Elisse Joson at Kobe Paras ang tunay nilang relasyon, are they dating? or are they just friends? well only time will tell.

Sa kasalukuyan, tila nali-link naman ang ex-girlfriend ni Kobe Paras na si Kyline Alcantara kay Ilocos Norte 1st District representative Sandro Marcos.