Edward Barber, Pastor na.

Itinalagang Pastor ang Pinoy Big Brother : Lucky 7 fourth Big Placer na si Edward Barber.
Pinangalanan si Edward Barber ng Favor Church Manila bilang isa sa kanilang ordained pastor o pastors in training.
Ito ay ibinahagi ng Favor Church Manila sa kanilang Instagram account. Mula sa pagiging PBB housemate at kilalang artista, unti-unti niyang iniwan ang mundo ng showbiz para sundin ang mas malalim na tawag ng pananampalataya.
Caption pa ng Favor Church Manila : “Last Saturday, during our Leaders Advance, we ordained our new pastors and pastors in training — acknowledging the call of ministry on their lives and commissioning them for the work God has entrusted to them.”
Kung ating babalikan, taong 2024 ibinahagi ni Edward ang isang ‘calling’ sa kanyang buhay na pumupuno sa ’emptiness’ na kanyang nararamdaman sa kabila ng kanyang kasikatan.
Ani Edward : “I really see my calling in ministry. It was really a moment when I thought , ‘God, I have everything that the world is telling me I should want. I have the following, I have the projects, I have the money, and I feel so empty.”
Dagdag pa niya : “I’ve seen hosting as my work, and I love it. I love the people with me. But at the end of the day, if I have to choose between the two, I will probably choose the ministry.”
Hindi lingid sa marami na sumikat si Edward sa mundo ng showbiz matapos siyang sumali sa Pinoy Big Brother taong 2016. Sa loob ng bahay ni kuya rin niya nakilala ang naging ka love team niya na si Maymay Entrata.
Sa paglabas nila ng PBB house, dito na mas sumikat sina Edward at Maymay na nakilalang ‘MayWard’.
Marami naman sa netizens at mga fans ang masaya at suportado nila ang bagong tinatahak ngayon ni Edward sa kanyang buhay.
Ani nila : “GOD is good for you Pastor Edward Barbers Congratulation. Isa ka sa pinili ng DIYOS. 1 Peter 1:2 Kayo pinili Ng DIYOS AMA ayon sa kanyang layuning sa mulat Mula pa at pinabanal Ng Espiritu Santo, upang maging masunurin Kay Jesu-Cristo at nilinis sa pamamagitan Ng kanyang dugo.”
“You’re an inspiration! Congratulations Ptr. Edward. You are a great blessings to your famiky abd your community.”
Dagdag pa ng isa : “This is good news . Nothing impossible with God all possible pag siya na ang humipo sa puso at isipan ng tao.”




