Diwata nakulong, ginamit ang pangalan sa krimen.

Diwata Raffy Tulfo in Action
Diwata at Raffy Tulfo

Humingi ng tulong si Diwata sa Raffy Tulfo in Action matapos nakulong, bakit kaya?

Lumapit si Deo Jarito Balbuena o mas kilalang Diwata 43, sa programa ni Raffy Tulfo para humingi ng tulong matapos siyang nakulong dahil sa krimen na hindi niya ginawa.

Matapos ibahagi ni Diwata ang pagka-lugi niya sa kanyang paresan, narito at may bagong problema na naman siyang kinakaharap.

Bakit nakulong si Diwata?

Ayon kay Diwata, nagulat na lamang siya dahil hinainan siya ng isang warrant of arrest sa mismong bahay niya ng mga nagpakilalang mga kapulisan noong Oct. 7, mula sa warrant section ng General Trias Cavite.

Ani Diwata : “Tinanong [nila] ako kung ako si Deo Jarito Balbuena, totoo naman na pangalan ko ‘to, sabi ko yes? may warrant [raw] ako na nanggaling dito sa Mandaluyong, nagtataka ako kasi hindi naman ako taga Mandaluyong,

“Hindi rin ako dito familiar sa lugar na ‘to kasi from Pasay [City] ako, doon ‘yung paresan ko, tapos ang bahay ko ngayon is General Trias, Cavite so nagulat ako.. sabi ko ano ‘yung warrant? ano ba ‘yung kaso?

“Sumama ako ng maayos, kasi may dala silang warrant.. tapos sumama ako doon sa kanila [sa presinto] so kinulong [nila] ako, kasi alas 6 ako nahuli.. pinasok na [nila] ako sa kulungan, eh hindi naman ako makapag-bail agad kasi gabi na ‘yun..” say ni Diwata.

Aminado naman si Diwata na ang warrant na kanyang natanggap ay hindi niya talaga kaso, kasi wala raw siyang natatandaan na pumunta siya sa Mandaluyong para lang makipag-inuman.

Say pa ni Diwata na hindi niya kilala ang mga diumano’y kasamahan niya na nakalista sa naturang warrant na inihain sa kanya.

Pagbabahagi ni Diwata : “Kasi ang nakalagay po dito [sa warrant] parang lima yata kami o apat hindi ko lahat [sila] kilala, tapos ang nagtataka lang ako [bakit] kasama ‘yung pangalan ko..”

Tanong naman ni Raffy : “It is possible na may gumamit po ng pangalan nyo?”

Sagot ni Diwata : “Yes, sa tingin ko po.. sa tingin ko po meron..”

Ayon sa pananaliksik ni Raffy Tulfo, nakapanayam niya ang Pulis na humuli sa mga nag-iinuman sa Mandaluyong at nakumpirma nila na hindi nga si Diwata ang sangkot sa naturang krimen.

Ginamit lang umano ng sangkot ang tunay na pangalan ni Diwata kaya ang pares vendor ang binigyan ng warrant of arrest ng mga kapulisan.

Makikitang may mali rin ang Pulis na nakahuli sa mga sangkot dahil bakit hindi niya maayos na nakuha ang tunay na identity ng taong gumamit sa pangalan ni Diwata.

Tinatawag rin ito na isang uri ng ‘identity theft’ kaya gusto ni Diwata na mahanap kung sino ang gumamit ng pangalan niya upang masampahan niya ito ng kaukulang kaso.

Tanong ni Raffy : “Anong balak mo ngayon Sir Diwata?”

Sagot ni Diwata : “Sir ang plano ko sana, kung meron talagang gumamit [ng pangalan ko] hanapin ko at idemanda ko ‘to, pero sana dito naman sa mga Pulis natin.. sana sa susunod hindi na mangyari ang kagaya nito sa sitwasyon,”

Matapos ang pag-hingi ng tulong ni Diwata sa programa ni Raffy Tulfo, masaya nitong ibinahagi sa social media ang paglapit niya sa programa upang magbigay ng awareness sa lahat ng pilipino.

Diwata in Raffy Tulfo in Action studio
Diwata at Raffy Tulfo

Caption ni Diwata : “Galing ako sa Wanted sa Radyo ni Sen Raffy Tulfo para humingi ng tulong at magbigay ng Awareness sa mga kababayan natin. Dahil nakulong ako sa violation na di ko ginawa,

“May taong gumamit ng pangalan ko sa Mandaluyong nahuling nag iinuman at pangalan ko ang binigay. At nagkaroon ng Warrant of Arrest ako ang hinuli. Ito ay paguusapan sa Senado nabanggit ni Sen Tulfo para paigtingin at pagtibayin ang batas.

“Sana maging aral ito sa mga tao na mahilig gumamit ng pangalan ng ibang tao na hindi dapat gawing biro.” dagdag ni Diwata.

Marami naman sa mga netizens ang suportado ang paglapit na ito ni Diwata kay Raffy Tulfo, anila na magsilbi sana itong aral sa lahat lalong-lalo na sa mga kapulisan na hindi inaayos ang kanilang trabaho.

Ani ng netizens : “Mabuhay ka, Diwata. Tama yan, gamitin mo na lang ang pangalan mo to raise awareness gaya ng sitwasyong ito.”

“For awareness din itong ginagawa ni Diwata kc maraming nakukulong na walang kasalanan. Hindi po ito nagpasikat maging aral din ito”

“isuspend nyo po or under descipinary action or anything, di pwede walang consequence this is a serious matter, dapat hindi baliwalain lang.”

“itong sumbong na ito ni diwata hindi ito pasikat Lang ito ay nagsisilbi pamulat sa ating mga kapulisan na mag double check NG identity NG isang tao Kung sila ba talaga ang suspek Lalo na sa ating mga wala pang pyansa at magkakaroon pa NG record sila NG hnd naman talaga Nila ginawa.” dagdag pa ng isa.