Menu
Diwata : “Grabi guys kakalaya ko lng nakulong nanaman ako!”

Nakulong na naman pala si Diwata.
Ibinahagi ni Diwata o Deo Balbuena sa tunay na buhay ang muli niyang pagka-kulong dahil sa kanyang negosyo na paresan.
Chika pa ni Diwata na sobrang stress ang naramdaman niya dahil sa bago niyang kaso tungkol sa kanyang paresan, inilabas raw ang kanyang warrant of arrest kahit wala siyang subpoena.
Ayon sa kanya, may isang ahensya raw ng gobyerno ang nag-sampa ng kaso laban sa kanya dahil hindi daw compliance ang paresan niya sa mga tax obligations.
Ani Diwata : “Super stress, wala akong tulog-tulog simula ng isang araw. Guys, nakulong ako. Yes, totoo nakulong ako. Bakit? may warrant na naman ako. Hindi man lang ako nakatanggap ng subpoena, may warrant na agad. Agad-agad, katulad din nang dating nangyari.”
Dagdag pa niya : “Alam mo kung ano ang reklamo, ano ang complainant ko? Isang ahensya ng gobyerno. Hindi daw compliance. Tungkol ito sa negosyo, paresan. Tamang-tama lang nga pangkain ang kinikita ko. Minsan abono pa. Hinuli naman ako ng alas 6 ng gabi, magdamag, maghapon akong nakakulong.
Nasa 60 thousand yung bail na pinagpiyansa ko.”
Kung ating babalikan, October 2025 ay nakulong rin si Diwata dahil may gumamit ng kanyang pangalan, agad naman na lumapit ang negosyante sa tanggapan ni Raffy Tulfo upang humingi ng tulong.
Ayon sa pananaliksik ni Raffy Tulfo, nakapanayam niya ang Pulis na humuli sa mga nag-iinuman sa Mandaluyong at nakumpirma nila na hindi nga si Diwata ang sangkot sa naturang krimen.
Ginamit lang umano ng sangkot ang tunay na pangalan ni Diwata kaya ang pares vendor ang binigyan ng warrant of arrest ng mga kapulisan.
Marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na pagsubok lang ito sa buhay ni Diwata at kailangan niyang lampasan.
Ani ng netizen : “Diwata Ang mga pagsubok na nangyari sa iyong Buhay ay nag uumpisa palang…Dahil sinubukan ka Ng Diyos binigyan ka Niya Ng pagkakataon para iahon ka sa kahirapan pero anung ginawa mo sinayang mo lang….Dahil Nakita Ng Diyos Ang iyong pagiging mataas at pagkamaksarili sa iyong kapwa.”
“Di ko maintindihan kung bakit may warrant at kinulong sya overnight.. permit lang ang wala sa paresan nya, usually pinapasara lang yung ganun..”
Dagdag pa ng isa : “Alam nio minsan lng dumating sa buhay ang swerte once pinakawalan mo mhirap ng bumalik Importante be kind be humble and god will do the rest.”



