Derek Ramsay, pinalitan ng halaman si Ellen Adarna.

Bumalik na si Derek Ramsay sa kanyang bahay matapos umalis si Ellen Adarna.

Usap-usapan online ang pagbabalik ni Derek Ramsay sa kanyang bahay, pinuno pa niya ito ng mga bagong halaman na tila pamalit kay Ellen Adarna.

Pagbabahagi ni Derek sa kanyang IG stories, “New Plants fresh start.”, paraan ng aktor na mag lagay ng mga iba’t-ibang halaman sa kanyang bahay upang magkaroon ito ng bagong look.

Kung ating babalikan, tuluyan nang umalis ang kanyang ex-wife na si Ellen sa kanyang bahay matapos silang maghiwalay.

Pinag-piyestahan rin ng mga netizens ang inilabas na mga resibo ni Ellen laban kay Derek. Kalakip na rito ang pambabae o side chick ng aktor.

Sa pagbabahagi ni Ellen, kahit kailan ay hindi raw nag-sorry o humingi ng tawad ang aktor sa kanya tungkol sa pagtataksil nito sa kanilang relasyon.

Si Ellen at Derek ay ikinasal noong November 11, 2021.