DENR, kinasuhan ang Monterrazas project sa Cebu City.

Hindi parin natatapos ang issue ng Monterrazas project sa Cebu City.

Kinasuhan ng DENR o Department of Environment and Natural Resources ang viral project na Monterrazas de Cebu dahil sa mga violations.

Kung ating babalikan, nakatanggap ng samu’t-saring batikos ang mukha ng Monterrazas project na dating PBB housemate na si Slater Young.

Ang proyektong ito kasi ang sinisisi ng mga taga-Cebu kung bakit malubha ang naging baha sa kanilang lugar noong November 3 at 4.

Marami kasing mga puno ang pinutol para matuloy lang ang high-end real estate condo na ito sa taas mismo ng isang bundok.

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na malaking epekto talaga sa Cebu ang ipinapatayong proyekto ni Slater dahil sa negative impact nito sa kalikasan.

Dito na ibinahagi ng DENR na tuluyan na nilang kinasuhan ang proyektong ito dahil sa dami ng mga punong pinutol sa naturang lokasyon na umaabot sa ‘700 trees’ para lang maitayo ang Monterrazas de Cebu.

Ani ng DENR : “For the Monterrazas case, we already filed a criminal case on December 3, 2025, for violation of Section 77 of Presidential Decree No. 705 or the Revised Forestry Code against the corporation,

“The claim that Monterrazas de Cebu cut down more than 700 trees is grievously false, and we are confident that any evidence that may be presented to assert this narrative can easily be disproven.”

Dagdag ng DENR : “Monterrazas de Cebu is located in Barangay Guadalupe, which is several kilometers away from the heavily flood-stricken areas in Liloan, Mandaue, and Talisay, which unfortunately suffered the most severe impacts.”