Daniel Padilla sa relasyon nila ni Kaila : “Lalabas at lalabas.”

Daniel Padilla and Kaila Estrada relationship
Daniel Padilla at Kaila Estrada

Ayaw pa pala ni Daniel Padilla 30, na isapubliko ang relasyon nila ni Kaila Estrada 29.

Hindi lingid sa marami na naging usap-usapan na girlfriend na raw ng aktor na si Daniel Padilla ang aktres na si Kaila Estrada.

Ito ay kinumpirma ng source ng talent manager na si Ogie Diaz matapos ilang beses namataan sina Daniel at Kaila na magkasama.

Chika ni Ogie Diaz : “may bago ng mag-jowa, si Daniel Padilla daw, may jowa [girlfriend] na, may nagsabi sa’kin [na source], depende na lang [raw] sa kanila kung ide-deny nila o aaminin.”

Huling nag-sama sina Daniel at Kaila sa serye ng ABS-CBN na ‘Incognito”.

Daniel Padilla, gustong pribado ang relasyon nila ni Kaila Estrada.

Sa latest interview naman ni Daniel, hindi niya diretsahang kinumpirma ang tunay na real score nila ni Kaila pero humiling ito sa publiko na huwag muna silang ‘kulitin’ ng media.

Dito naitanong ni MJ Felipe si Daniel kung may nagpapatibok na ba sa puso nito, agad na sumagot ang aktor na “Just Let it be, Hayaan na lang nating mangyari ang mga bagay,”.

Tanong ni MJ : “May jowa ka na ba? Kasi ‘di ba ‘yun ang mga nahe-headlines lately ‘yung kay Kaila?”

Sagot ni Daniel : “Huwag na nating i-pressure ‘yung sarili natin, huwag na nating ilagay sa ganu’n, i-showbiz pa ‘yun pero you get my point?

“Lalabas at lalabas [‘yan], pero ayuko lang na may naghihintay na alam mo ‘yun, huwag na. Hayaan na nating mangyari ang mga mangyayari,

“Huwag niyo na muna kaming kulitin [ni Kaila], just let it be. Hayaan na lang nating mangyari ang mga bagay.” pagbabahagi ni Padilla.

Daniel Padilla, handa na mag-asawa.

Ibinahagi rin ng aktor na si Daniel na kasama talaga sa kanyang mga future plans ang pag-settle down o ang pag-asawa, lalo ngayon na nasa 30’s na siya.

“Wala namang masyadong bago pero ramdam mo rin di ba, na hindi ka na rin bata talaga,

“Lagi ko naman sinasabi sa’yo di ba, siyempre darating ‘yung panahon magpa-pamilya ka na, san ka titira. Alam mo ‘yun?” wika ni Daniel.

Marami naman sa mga netizens ang pabor sa desisyon ni Daniel na maging pribado nalang ang kaniyang lovelife with Kaila, marami raw kasi ngayon na mga pakialamera sa social media.

Komento ng netizens : “Tama lng yan dj.. Nakaka troma na ksi daming pakialamera.. Kya better private ang personal luvlife mo.. Pra malaya kang gumalaw sa mundo ng showbis. Kyo n lng nakakaalam 2 ng partner mo…”

“Kayo na nga lang nakiki chismis kayo pa Ang busher eii kung hyaan niyo na sila at Buhay niyo pakilamam niyo hndi pinapakilaman Buhay niyo yan hirap s pilipino . Problema Ng iba . Pinapakilamanan niyo” dagdag pa ng isa.

Sa ngayon, inaantay pa ng mga marites sa social media ang magiging pahayag ni Kaila Estrada tungkol sa relationship nila ni Daniel Padilla.