Concert ng Sexbomb, binalewala ng producers.

Mahirap pala ang pinagdaanan ng Sexbomb para lang matuloy ang kanilang concert.

Ibinahagi ng leader ng Sexbomb na si Rochelle Pangilinan na maraming producers ang hindi pumayag na gumastos para sa kanilang concert.

Hindi lingid sa marami na gumawa ng ingay ang kakatapos lamang na concert ng Sexbomb sa Smart Araneta Coliseum na “Get, Get Aw! The SexBomb Concert”.

Ginanap ito noong December 4, dahil sa mabilis na pagka-sold out ng mga tickets at sa pagiging in-demand ng kanilang concert ay tinawag na nila itong ‘rawnd 1’.

Dahil sa malakas at overwhelming na suporta, agad nilang inanunsyo na magkakaroon sila ng ‘rawnd 2’ at ito ay ginanap sa mas malaking venue sa MOA o Mall Of Asia Arena noong December 9.

Pagkatapos ng kanilang 2 sold-out concerts, tila ang kanilang mga fans ay sumisigaw ng ‘We Want More!’, dito na muling inanunsyo ang kanilang ‘rawnd 3’ at gaganapin ulit ito sa MOA o Mall Of Asia Arena sa Jan. 31, 2026.

Hindi lang ‘yan, marami rin sa mga OFW’s ang nagre-request sa kanila ngayon ng ‘World tour’, pero bago makamit ng Sexbomb ang major success sa kanilang karera, ibinahagi ni Rochelle na hindi madali ang pinagdaanan ng kanyang grupo bago matuloy ang kanilang ‘rawnd 1’ show sa Araneta.

Ani Rochelle : “Ang dami kong kinausap producers pero walang sumagot. Kaya nag ambag-ambagan [nalang] kami.”

Marami kasing producers ang nag-aalangan dahil anila na baka raw walang bumili ng mga tickets dahil laos na raw ang Sexbomb dancers. Ngunit marami sa mga netizens ang nagsasabing huwag maliitin ang grupo dahil naging parte sila sa kanilang kabataan lalo na sa mga batang 90’s.

Ani ng netizen : “These producers don’t realize how iconic Sexbomb is. Lakas kaya ng purchasing power ng mga [90’s] tanders ngayon haha char. Merch release naman.”

“Diba? Lalo pa ang mga millenials naghe-heal ng inner child. Sexbomb is a reminder of good old days. Kahit magkano, gagastusan nila yan. Grabe oh, 3 consecutive concerts, sold out. Ang lala.”

Dagdag pa ng isa : “Rejecting Sexbomb Dancers is like rejecting Destiny’s Child or Spice Girls. Ganun sila ka-iconic. People need to start putting more respect into their names. Hindi sila basta dancers lang. They played a huge part of our childhood and our youth.”