Ipinakilala na ng content creator na si Clyde Vivas ang kanyang new girlfriend sa programa ni Ogie Diaz sa kanyang Youtube channel.
Hindi lingid sa marami na tuluyan nang naghiwalay ang mga content creators na sina Clyde Vivas at long-time transgender partner nito na si Lars Pacheco matapos ang 7 years nilang relasyon.
Binigla kasi ni Lars ang kanilang mga tagasuporta sa social media noong August 20, matapos nitong ibahagi online ang tungkol sa break up nila ni Clyde, ayon pa sa transgender pinay na wala siyang pinagsisisihan sa naging relasyon nilang dalawa.
Ani Lars : “7 years it was [heart emoji], No regrets just memories made. I wish you healing. I wish myself forgiveness [heart emoji],”
Sa mga sumunod na post ni Lars sa kanyang Facebook page, dito na niya inamin na nagkaroon ng third-party sa relasyon nilang dalawa ni Clyde at si Lars umano ang nagloko.
Ani Lars : “It was a beautiful seven years but hindi na kasi pwedeng magpatuloy pa… I cheated on him—once, twice, thrice, and I couldn’t stand it anymore,
“Those cheating that I did, I wouldn’t say it’s an accident. I chose to do it. That’s the reason why I wanted to end it all,
“I couldn’t stand to be with Clyde [anymore] knowing that I have feelings for others. I decided to let it go because I think that would be the best for him, for me,” dagdag ni Lars.
Dahil patuloy parin na pinag-uusapan ang hiwalayan nilang dalawa, dito na binuksan ng talent manager na si Ogie Diaz ang kanyang platform upang makapanayam ang dalawa sa magkahiwalay na interviews.
Dito na inamin ni Lars na ang third-party issue nilang dalawa ay hindi ang ‘main reason’ kung bakit siya nakipag-hiwalay, ginamit niya lang umano ito para may rason na bumitaw si Clyde sa kanilang relasyon.

Ang tunay umanong rason ay ang pagiging dependent sa kanya ni Clyde, aminado naman si Lars na pinaramdam naman talaga sa kanya ni Vivas ang tunay na pagmamahal pero para sa kanya ay hindi pa ito sapat kung sa lahat ng bagay ay naka-asa at naka-sandal lang si Clyde sa kanya.
Pagbabahagi ni Lars : “For 7 years na ‘yun [relasyon], ang bigat-bigat pala, bakit ako lang mag-isa? I mean kasama ko siya, pero feeling ko mag-isa lang ako like sa mga responsibilidad sa mga ganito ganyan. Never ko [talaga] siya napakinggan [narinig] na mayroon siyang pangarap para sa aming dalawa, walang ganon,
“Parang all his life [kasi], naka-depend [umaasa] lang siya sa akin, pero mahal niya ako alam ko po as in, kaya niya po siguro mamatay para sa akin,” dagdag ni Lars.
Sa naging panayam naman ni Clyde kay Ogie Diaz dito na niya kasama ang kanyang new girlfriend at agad itong napansin ng talent manager na si Ogie.

Ani Ogie : “Dumating si Clyde [Vivas] dito, may kasamang girl, yung girl na kasama mo ay girlfriend mo?”
Sagot naman ni Clyde : “Getting to know each other [palang po], nililigawan ko [pa]. We’re good.”
Pahabol na tanong ni Ogie : “Hindi naman siya panakip butas? Or rebound?”
Sagot ni Clyde : “No, no. Actually, Mama Ogie, ilang araw na rin ako sa kanila [nag-stay]. Kausap ko yung mama niya, close na close na kami, sobrang bait nung family niya. Tinanggap ako as anak talaga [nila] and alam yung history ko tas naiintindihan nila, kaya sabi ko eh sobrang nakaka-overwhelm,”
Para naman kay Vivas, hindi na niya masyadong iniisip ang tungkol sa break up nila ni Lars dahil nasa punto na siya ng kanyang buhay na tinatawag pa niyang ‘new chapter’, nilinaw din niya na tinuldukan na niya ang relasyon nila ng transgender at hanggang doon nalang talaga ‘yun.
“Hindi ko na inisip yung move on eh, hindi ko na inisip yung 7 years. Okay na yun. Done. Tuldok. Panibagong chapter na ako ng buhay ko,” pagbabahagi ni Clyde.