Clyde Vivas at Lars Pacheco, nagka-balikan na.

How true na may comeback sa relasyon nina Clyde at Lars?

Matapos maghiwalay mukhang nagka-balikan na ang magkasintahan na sina Clyde Vivas at ang trans-pinay na si Lars Pacheco.

Hindi lingid sa marami na ilang buwan lang ang nakalipas ay ginulat nina Clyde at Lars ang kanilang mga followers matapos nilang ibahagi ang tungkol sa kanilang break up.

Ang kanilang relasyon ay tumagal sa loob ng 7 years, dito na ipinakilala ni Clyde ang kanyang new girlfriend na si Airha Shane Lee sa talent manager na si Ogie Diaz.

Clyde Vivas and his new Girlfriend
Clyde Vivas and his new Girlfriend with Ogie Diaz

November 21, isinulat namin ang balitang hiwalay na si Clyde kay Airha matapos ang sunod-sunod na social media post ng dalaga.

Nagbahagi si Airha ng isang video sa kanyang social media na umiiyak at tila kinumpirma nito ang hiwalayan nila ni Clyde Vivas.

Aniya : “The tears say it all we’re not together anymore. I’m not ready to talk about what happened, because remembering everything still hurts so much. In time, things will make sense. To everyone messaging me, I’ll be okay. I’ll get through this.”

Sa latest social media post naman ni Clyde, dito niya ibinandera ang mga photos sa loob ng kotse habang may kasama siyang babae, hula ng mga netizens na si Lars ito dahil sa nunal na kanilang napansin.

Tila nagkabalikan na silang dalawa matapos ang kanilang break up nakaraang buwan. Marami naman sa mga netizens ang napakomento na tila ginawa lang si Airha na rebound ni Clyde matapos ang break up nila ni Lars.

Say ng netizen : “Ay alam mo namang panakip butas ka lang dba? Mahal nya pa kasi c lars.”

Bumaha naman ang mga komento mula sa netizens dahil 100% sure raw sila na si Lars talaga ang kasama ni Clyde sa mga bago nitong larawan.

Anila : “Literal na babalik pa rin sa yakap mo comeback is real.”

“Daming basher ah byaan nyo cla jusko, NAKAKAKILIG ARGHHHHH Sana tlg c Lars yan huhuhu pls.”

“Nasa tamang butas kana mo balik pa talaga sa fake na butas hahahahahhhaa”

Dagdag pa ng isa : “uys ako na mag re-reveal HAHAHAHHA sila na ulit kasi mahihiya naman si Clyde kung magsasakay sya ng ibang girls sa kotse nya na bigay ni Lars tapos ipopost nya dba? Tama po ba?? (Detective Conan).”