Celeste Cortesi, nag-donate ng P10 Million para sa Cebu at Davao.

Celeste Cortesi earhquake donation
Celeste Cortesi

Tunay na ‘beauty Queen with a heart’ talaga itong si Celeste Cortesi 27, dahil sa malaking donation niya para sa Cebu at Davao Oriental earthquake relief.

Kung ating babalikan, tinamaan ng malakas na lindol ang Bogo City, Cebu at ang mga karatig lalawigan nito noong Sept. 30 na may lakas na magnitude 6.9 at sinundan ito ng libo-libong aftershocks.

Bago pa man mangyari ang malakas na lindol ay tila nagbigay ng babala ang pinoy psychic na si Rudy Baldwin sa mga taga-Cebu dahil nakita niya umano ito sa kanyang vision.

Kasabay ng mga usap-usapan tungkol sa naging babala ni Baldwin, bida rin ang asong si Luke na nagpakita ng kanyang tapang upang iligtas ang kanyang amo sa mga bumagsak na semento sa kanilang tahanan.

Matapos ang malakas na Lindol sa Cebu, naitala naman ang lindol sa Davao Oriental na may lakas na magnitude 7.4, agad naman na pinalikas ang mga kababayan natin na malapit sa mga dalampasigan dahil sa tsunami warning.

Beauty Brand ni Celeste Cortesi, may donation para sa Cebu at Davao Oriental.

Dahil sa malalakas na lindol, matinding mga pinsala at may pangangailangan ang mga kababayan natin na naninirahan sa Cebu at Davao Oriental.

Agad na nagbigay o nagpa-abot ng kanyang tulong si Celeste sa pamamagitan ng kanyang beauty brand na ‘Azul’, in partnership with Angat Buhay foundation at Philippine Red Cross.

Sa opisyal na pahayag ng Azul, dito nila ibinahagi na magbibigay sila ng tulong na may halagang P5 million pesos para sa mga taga-Cebu with Angat Buhay.

Anila : “Azul has extended support of P5,000,000 in partnership with Angat Buhay Foundation to support disaster relief operations in Cebu. This includes hygiene kits, water, food packs, cash aid, tents, shelters, mobilization, and medical missions for affected families.”

Celeste Cortesi's Azul brand donation via Angat Buhay
Azul brand x Angat Buhay

Dahil naman sa malakas na lindol na naitala sa Davao, agad muling nagpa-abot ng tulong ang Azul na nagkakahalaga ng P5 Million Pesos in partnership with Philippine Red Cross, kaya in total ay naglabas ng tulong si Celeste ng P10 Million para sa earthquake relief ng ating bansa.

Anila : “a 7.4-magnitude earthquake struck off the coast of Manay, Davao Oriental, claiming at least two lives and injuring dozens more. The tremor damaged schools, hospitals, and other infrastructures, and triggered mass evacuations across nearby coastal provinces. Many families are now without safe homes or access to basic necessities, with communities in urgent need of shelter, food, and assistance as they begin to recover.

“In times of crisis, we believe in acting fast. Azul, through Celeste Cortesi and Jonathan Sterling, has extended P5,000,000 in support to the Philippine Red Cross to help with rescue and relief efforts in Davao – providing immediate aid, essentials, and support for affected families.” dagdag ng beauty brand ni Celeste.

Celete Cortesi's Azul brand donation to Davao Oriental
Azul Brand x Philippine Red Cross

Dahil sa ‘pure heart’ o busilak na pusong ipinakita ng beauty queen na si Celeste Cortesi para sa ating mga kababayan na nangangailan ng tulong sa oras ng sakuna, tila maraming netizens ang nanawagan na ang beauty brand ni Celeste na ‘Azul’ ang tunay at dapat na suportahan.

Ani ng netizens : “For me ha? itong brand ni Celeste na Azul ang dapat na makatanggap ng malaking suporta mula sa atin, kaya kung kayo ay mahilig sa skincare bisitahin niyo sila. Kahit ito nalang ang maibalik o sukli natin sa mabuting gawain na ginagawa ng brand na ito para sa ating kapwa pilipino.”

The launch of Celesti’s Azul beauty brand.

Kung ating babalikan, Oct 10, nakaraang taon ay masayang ibinahagi ni Celeste ang launching ng kanyang sariling beauty brand na ‘Azul’, aniya umabot umano ng 2 years in the making ang naturang brand.

Ani Celeste : “It’s a lip-care brand and we came up with our first product, which is a lip plumper,

“Actually, guys, I’ve been working on this for already two years, right after Miss Universe, I’m so so proud that it’s finally happening. And I just love it so much.” pahayag ni Miss Universe Philippines 2022.

Bakit ‘Azul’ ang pangalan ng beauty brand ni Celeste Cortesi?

Ayon sa beauty queen, ang Azul ay hango mismo sa pangalan niya talaga.

Pagbabahagi niya : “Azul because ‘Celeste’ means ‘Asul.’ So, you know, I was playing with some different languages, like Tagalog and Spanish,

“And, of course, ‘Azul’ in Spanish and Tagalog means ‘Celeste.’ That’s why it really represents me one hundred percent.” dagdag ng dalaga.