Usap-usapan ngayon sa social media ang comment ni Carla Abellana tungkol sa memory illness ng dating pangulo Rodrigo Duterte.
Hindi lingid sa marami na hindi na matutuloy ang hearing ng confirmation of charges ng dating pangulo na si Rodrigo Duterte sa ICC The Hague Netherlands sa Sept. 23.
Ayon kasi sa abogado ng mga Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman, masyado na umanong makakalimutin si Rodrigo at hirap na iproseso ng kanyang memorya ang mga bagay-bagay.
Base kasi sa mga pagsusuri na ginawa sa dating pangulo, lumabas sa kanyang mga resulta medikal ang ‘impaired memory’ o ang hirap sa pag-retain ng mga bagong impormasyon.
Maging ang kaso raw ni Duterte na ‘Crimes Against Humanity’ at ang kanyang mga anak ay hindi na diumano nito maalala, Kaya naglabas na din ang ICC ng isang pahayag noong Sept 11 , na nag-request umano ang kampo ng dating pangulo sa kanila ng ‘indefinite adjournment’ o iliban muna ang mga hearing nito.
Pahayag ng abogado ni Duterte : “His deficient memory also entails an inability to follow the litigation and to make informed decisions. Consequently, and crucially, Mr [Rodrigo] Duterte is unable to contribute to his own defence, rendering his participation in the proceedings totally ineffective,”
Ang pahayag na ito ni Atty Kaufman ay naka-post rin sa isang Instagram feed at dito na nag-komento ang kapuso aktres na si Carla Abellana tungkol sa memory loss ni Duterte.

Marami sa mga netizen ang nagulat sa naging komento na ito ni Carla tungkol sa dating pangulo, marami naman sa kanila ang sumang-ayon sa kapuso aktres.
Ani ng netizen : “Ms. Carla, pls u know that we appreciate u for speaking up. ikaw isa sa mga bumoboses para samin sana palaging masarap ulam mo,”
“slay nanaman ang momshie cakes ko HAHAHAHAHAHAHAHAHA” dagdag pa ng isa.
Bago pa man nag-viral ang komento na ito ni Carla tungkol sa sakit ni Duterte, kilala na siya ng marami bilang ‘boses ng madla’, tinatawag pa nga siya ng karamihan na ‘Patron Saint of Concerned Citizens” dahil sa mga pag-call out nito sa mga bagay bagay na hindi binibigyan ng pansin ng mga nasa pwesto.
Ito ang mga na-callout ng aktres sa social media na pinag-usapan ng mga netizens at talagang humanga sila sa katapangan ni Carla.
- Flood control kickbacks (bundle of money on the table)
- Carla’s comment – “ayun yung pera ko o. nakita ko na..”
- Jinggoy Estrada (Flood control hearing)
- Carla’s comment – “Tapos ngayon naniniwala kayo sa kanya?”
- Surfing with Kelly Bag (IG post)
- Carla’s comment – “Anak ng mga Congressman at Contractors next month.”
- Corruption
- Carla’s comment – “Welcome to the Philippines where corruption is Top tier.”
- Tax Corruption
- Carla’s comment – “what do i do with a predicament like this when corruption is being done right smack on your face?”
- Tagaytay bill
- Water Utility bill
- Internet (no connection)
- Animal Cruelty