Carla Abellana, ikakasal na sa kanyang highschool ex?

Carla Abellana wedding
Carla Abellana

Ika nga nila ‘Love is sweeter the second time around’.

Matapos mabigo sa pag-ibig, tila ikakasal na raw ang aktres na si Carla Abellana sa kanyang highschool ex boyfriend na isang doktor.

Hindi lingid sa marami na divorced na si Carla sa kanyang estranged husband na si Tom Rodriguez, ito ay binigyang bisa ng korte noong June 2024.

Dahil walang divorce sa Pilipinas, ginamit ni Tom ang pagiging US citizen niya at inasikaso niya ito sa United States noong June 2022.

Agad naman na nag-filed si Carla sa ating bansa ng petisyon upang bigyang bisa ang divorce request nila ni Tom sa Amerika, dito na tinanggap ng korte ang hiling nilang dalawa at tuluyang natapos ang relasyon nila bilang mag-asawa.

Ikinasal sina Carla at Tom noong Oct. 2021, matapos ang 7 years na pagiging mag-jowa nilang dalawa, ibig sabihin tumagal nalang ng mahigit 2 years ang kanilang pagsasama matapos ang kanilang kasal.

Ang rason diumano ng kanilang break up ay betrayal at dahil sa third party, ito ay kinumpirma ng ama ni Carla na si Rey Abellana 63, sa mga press ang tungkol sa naka ‘one night stand’ ni Tom na inamin mismo ng aktor sa kanya.

Carla Abellana, muling ikakasal?

Ayon sa talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang Youtube show na ‘Showbiz Updates’, nakarating umano mula sa kanyang source na ikakasal na si Carla sa Disyembre sa boyfriend nitong doktor.

Pagbabahagi ni Ogie Diaz : “Ang nakarating sa atin, sa December na ikakasal si Carla Abellana. Wow, sino naman kaya ang lucky guy na ito?

“Taga-showbiz ba? Nope. Isang pribadong tao. Doktor. Isang chief medical officer ng isang private hospital sa Quezon City, ayon ‘yan sa ating source,” dagdag ni Ogie Diaz.

Ayon sa mga ulat, ang doktor na papakasalan ni Carla ay ang kanyang high school ex boyfriend, kaya naman tila masaya ang puso ngayon ng aktres dahil nabigyan sila ng second chance sa kanilang na unsyaming pagmamahalan noon.