Caprice Cayetano at Lella Ford, Big Winners ng PBB Collab 2.0.

Sina Caprice Cayetano at Lella Ford ang bagong Big Winners ng Pinoy Big Brother.

Itinanghal at pinangalanan bilang Kapamilya at Kapuso Big Winners ng PBB Collab 2.0 sina Caprice Cayetano at Lella Ford.

Si Caprice na may moniker na ‘Ang Demure Daughter ng Quezon City’ ang nakakuha ng pinakamataas na boto laban sa ibang Kapuso housemates na umabot sa 61.78% total tally of votes.

Habang si Lella naman na may moniker na ‘Ang Blooming Bunso ng Tacloban’ ang nakakuha ng total highest tally of votes laban sa ibang Kapamilya housemates na umabot sa 53.63%.

Ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0 Big night ay ginanap sa Crossroads Center sa Quezon, City noong February 28, 2026.

Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Caprice : “Sobrang nagulat po talaga ako. Sobrang nagpapasalamat po ako kila Ms. Annette, Ms. Joy, Ms. Cory, Direk Lauren, Boss Vic. I love you all. Sobrang thank you po. Maraming maramig salamat sa mga sumuporta.”

Sambit naman ni Lella : “Hindi pa rin po nagsi-sink in sa akin. Until now hindi pa rin ako maka-paniwala pero maraming-maraming salamat sa inyong lahat!”

Bukod naman kina Caprice at Lella, itinanghal bilang 2nd big placers sina Heath Jornales na mula sa Kapuso at si Krystal Mejes na nag-mula sa Kapamilya.

Sinundan naman ito ng 3rd big placers na sina Kapuso Ashley Sarmiento at Kapamilya Joaquin Arce, 4th big placers naman sina Miguel Vergara ng Kapamilya at Princess Aaliyah ng Kapuso.