Courtesy : Michael V and Sarah Discaya

Bubble Gang parody ni Michael V, approved kay Sarah Discaya.

Naglabas ng pahayag ang abogado ni Sarah Discaya tungkol sa parody ng kapuso genius na si Michael V sa Bubble Gang.

Hindi lingid sa marami na tila napansin ng mga netizens ang malaking pagkakahawig sa looks nina Michael V at Sarah Discaya habang nasa senado ang kontratista.

Dito na nanawagan ang mga tagasubaybay ng kapuso longest gag show na Bubble Gang na sana raw ay gawan ni Bitoy ng parody si Discaya sa naturang show.

Agad naman na pinagbigyan ng komedyante ang kanyang mga fans at ginawa talaga nila ang parody na ito at tinawag siyang si ‘Ciala Dismaya’, kuhang-kuha rin ni Bitoy ang nunal, hairstyle at outfit ni Sarah sa teaser na kanilang inilabas.

Sobrang excited naman ang mga netizens dahil kahit teaser pa lang ay tuwang-tuwa na sila, sa naturang video kasi may sinambit si Bitoy aka Ciala Dismaya na : “Marami po akong sasabihin ngayong linggo.”

Watch here :

Marami naman sa mga netizens ang napatanong kung magiging okay lang ba ito kay Sarah, hindi kasi lingid sa marami na nasa ilalim ngayon ng kontrobersya ang mag-asawang Discaya matapos nabulgar ang mga anumalya ng kanyang siyam na kompanya sa paggamit ng budget para sa mga flood control projects.

Dito na naglabas ng pahayag ang abogado ng mga Discaya na si Atty. Cornelio Samaniego III at nilinaw nito na walang problema para kay Sarah ang parody na ito ni Michael V sa Bubble Gang.

Ani Atty. Samaniego : “Hindi po. Okay lang sa kanya [kay Sarah]. Alam mo naman si Sir Bitoy, talaga namang idol ko nga ‘yan,

“Nirerespeto natin si Michael V. Idol natin iyan sa Bubble Gang [at] trabaho niya ‘yan. Parang ako, abogado, trabaho ko ito. Si Sir Michael, trabaho niya ‘yun. Doon siya kilala. So, bakit tayo magagalit?” dagdag ng abogado.

Sa inilabas na mga teaser sa official page ng Bubble Gang, sa wakas ay matutunghayan na ninyo si Ciala Dismaya sa paparating na September 14, ang bagong karakter ni Bitoy.