Break up nina Alexa Miro at Sandro Marcos, dahil sa third-party.

Nabulgar ang tunay na dahilan kung bakit nauwi sa break up ang relasyon nina Alexa Miro at Sandro Marcos.

Inamin ng aktress na si Alexa Miro na ang third-party pala sa break up nila ni Sandro Marcos ay ang beauty Queen at ang dating PBB housemate na si Franki Russel.

Alexa Miro and Sandro Marcos break up.

Hindi lingid sa marami na naging usap-usapan sa social media ang hiwalayan nina Alexa Miro at ng 1st district of Ilocos Norte Congressman na si Sandro Marcos ngunit hindi parin maliwanag kung ano ang tunay na dahilan ng kanilang break up.

Alexa Miro and Sandro Marcos break up reason
Alexa Miro at Sandro Marcos

Not until noong Lunes ng gabi Sept 22, nagsalita na si Alexa sa pamamagitan ng kanyang Tiktok live, dito na niya inilahad at matapang na pinangalanan ang babaeng nasa likod ng kanilang hiwalayan ni Sandro.

Dito rin ibinahagi ni Alexa ang kanyang saloobin tungkol kay Sandro kung bakit ayaw ng kongresista na aminin nila ang kanilang relasyon sa publiko.

Ani Alexa : “Ex-boyfriend [Sandro Marcos] na ayaw ako paaminin na naging kami. Bakit kaya? Isa rin ‘yung palaisipan. Sino nagmukhang kilig na kilig sa media, edi ako diba? yes, he denied me to the public.”

Sa hindi nakaka-alam, tumagal din ng limang taon ang relasyon nina Alexa at Sandro bago sila tuluyang maghiwalay, kasunod sa mga pahayag na ito ng aktres, agad na niyang pinangalanan ang third-party sa relasyon nila.

Pagbabahagi ni Alexa : “Clue ng girl, [si] Franki Russell. Binastos niya pa ako sa club. Pinaiyak niya ako kasi kinausap ko [lang] siya.

“[habang sa club] Sabi ko, ‘Girl at the end of the day it’s not just the girl’s fault, and all I wanna know is if he said I love you?

“I tried to touch her arm [ni Franki Russel], but she pushed it aside. Then she said, ‘He already chose you, right? So get out of my face.

“So umiyak ako doon, pero ipinagtanggol ako ni Barbie Imperial, sabi niya, ‘Hindi ka iiyak dito sa club, punasan mo ‘yang luha mo.’” pagbabahagi ni Alexa.

Habang sinusulat ang balitang ito, hindi pa naglalabas ng kaniyang pahayag si Franki Russel maging ang ex-boyfriend ni Alexa Miro na si Cong. Sandro Marcos.

Sandro Marcos and Kyline Alcantara relationship.

Mukhang hindi na ata talaga nagka-balikan sila Miro at Marcos dahil usap-usapan ngayon sa social media na nagkaka-mabutihan na ang aktres na si Kyline Alcantara at Sandro.

Ayon kasi sa veteran columnist na si Cristy Fermin, nakarating sa kanya mula sa isang source na nali-link ngayon si Alcantara kay Marcos.

Ani Cristy : “Si Kyline Alcantara nali-link ang pangalan ngayon kay Cong. Sandro Marcos. Alam raw kaya ito ni Alexa Miro? Kasi si Alexa at si Cong, limang taon na tumagal ang kanilang relasyon bagama’t kailan lang umamin si Alexa para sa proteksyon ng family ng kanyang ex.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng kanilang pahayag sina Kyline at Sandro tungkol sa real score ng kanilang relasyon.