Todo flex si Angelica Yulo sa kanyang brand new car, kanino galing?
Ang lucky naman ni Angelica Yulo sa kanyang anak na si Karl Eldrew dahil isang brand new car ang regalo sa kanilang mag-asawa.
Masayang ibinahagi ni Angelica sa social media ang regalo ng kanyang anak na si Karl Eldrew Yulo para sa kanya at sa kanyang mister.
Hindi lingid sa marami na ang mag-asawang sina Angelica at Mark Andrew ay may apat na anak na may mga pangalang Jorielgel, Carlos, Karl at ang bunso nilang si Elaiza, sila ay pawang mga Gymnasts.
Chika ng isang netizen : “Hindi ako sa issue naka focus, dun sa fact na paano kaya Sila pinalaki pareho magaling sa gymnastics magkapatid. Was it genes? Was it discipline since they were little? Like paano? Ang gagaling lang..”
Ang Brand new car ni Angelica Yulo.
Sa kanyang Facebook account dito na ibinandera ni Angelica ang kanyang pangatlong anak na si Karl Eldrew dahil sa pagkakaroon nito ng malaki at mapag-bigay na puso.
Caption ni Angelica : “Bday gift to his dad Mark Andrew Yulo and early birthday gift for me. Thank you big time Karl Eldrew Yulo God bless your big and kind [heart].”
Dahil sa regalo na ito ni Karl para sa kanyang mga magulang, maraming netizen ang masaya at pinuri nila ang atleta.
Wika ng netizens : “Yan Ang mabuting anak sana wag Kang magbago sa pamilya mo.”
“Yan ang mabuting anak anhin mo ang anak na sikat Pero pinagdadamutan ka kung ako kalagayan mo panganay gastusin nila ang pinag hirapan ko ayos lang mapasaya lang sila.” dagdag pa ng isa.

Dahil sa pa-flex na ito ni Angelica online, hindi talaga maiiwasan na ikumpara ng mga netizens si Karl Eldrew sa kanyang kuya na si Carlos Yulo.
Hindi lingid sa marami na nagkaroon ng ‘nationwide issue’ noon si Angelica sa kanyang anak na si Carlos, ano ang dahilan? dahil sa pera at sa mga malisyosong sagutan nila ng girlfriend ng kanyang anak na si Chloe San Jose.
Chika pa ng mga fans na ang layo raw ni Karl sa kanyang kuya dahil ito raw ay family first habang si Carlos naman ay mas pumapanig sa kanyang girlfriend laban sa kanyang pamilya.
Tinawag rin nila na napaka-ungrateful son ni Carlos sa kanyang mga magulang.
Say ng netizens : “Nauuwaan ko si Carlos Yulo mas pinili nya yung babae kaso yung dulot hindi maganda! Bandang huli babalik at babalik yan sa nanay nya pag wala ng lahat believe me.”
“Pagpapalain pa Yan Kasi mapag-mahal na anak.”
“Dapat talaga inuuna ang magulang kesa sa ibang tao kase since birth magulang ang nakasama mong dumapa at bumangon ang ibang tao nandiyan lang yan kase depende sa pakinabang nila sayo pag wala ng pakinabang sayo itsapwera kana.” dagdag pa ng isa.