BINI Jhoanna Robles at Skusta Clee, mag-kasama sa Vietnam?

How true ang chika sa Reddit na may relasyon sina BINI Jhoanna at Skusta Clee?
Usap-usapan online ang leader ng BINI na si Jhoanna Robles matapos itong malink sa rapper na si Skusta Clee.
Nagsimula ang haka-haka ng mga netizens na may relasyon sina Jhoanna at Skusta matapos nilang mapansin ang mga posts ng dalawa na may same location at the same time sa Vietnam.

Chika pa ng Reddit user :
- Same angle ang kanilang mga kuha sa Tháp Rùa (Turtle Tower).
- Exactly the same place: Temple of Literature (Jhoanna standing, Skusta sitting, parehong first pic and both have the identical bonsai pot).
- Parang same temple tapos nail colors din hehehe lol.
Sa kasalukuyan, hindi pa naglalabas ng pahayag si BINI Jhoanna o si Skusta tungkol sa pinag-uusapan ng netizens online, pero marami sa mga ‘blooms’ ang kontra kung totoo man ito.
Ani ng isang bloom o BINI fan : “Super fan ako ng bini. jhoanna naman [cry emoji] sayang ang ganda at galing mo juskoooo. below average pa to si skusta clee. buti sana kung okay din sa ugali kaso hindi rin.”
Dagdag pa ng isa : “Ang di ko talaga ma gets bakit natuturn-on pa rin mga babae sa absentee fathers na cheater pa likeeee that’s literally my #1 nonnego wth, jusko naman jho sa dami ng pwede diyan sa tabi tabi si skusta pa.”
May payo naman ang mga netizens na kung pwedi raw ay sabuyan ng asin si Jhoanna upang matauhan dahil baka raw ay ginayuma ang dalaga.
Chika nila : “Jho, magpa tapon ka ng asin sa likod baka nagayuma ka ng red flag na yan! Jusko naka ilang panganay na ba yang feeling pogi na yan?! Dalawa? Please lang sa pamilya ni Jho, mag intervene naman kayo! LOL.”
“Tama na yang “you and me against the world” drama na yan. Usually talaga pag matalino, bobo sa pag-ibig eh.” dagdag ng netizen.
Sa kasalukuyan, hindi pa kumpirmado ang relasyon ng dalawa, marami naman sa mga netizens ang nagsasabing baka may collaboration lang ang BINI sa rapper na si Skusta o sadyang nagka-taon lang ang mga larawan nilang dalawa.







