Panibagong milestone para sa BINI ang mag-perform sa Coachella Valley Music and Arts Festival 2026, na gaganapin sa Indio, California.
Dahil sa all time success ng BINI, sila lang naman ang first ever filipino group na makaka-apak sa stage ng Coachella, ibinahagi ito sa official social media pages ng naturang music festival together sa kanilang line-up at dito na na-excite ang buong bansa at ang mga blooms.
Caption ng Coachella : “Hard launch. Passes on sale Friday, September 19 at 11am PT. Register now for access.”

Komento ng isang bloom : “my life is completed [crying emoji” IM SO EXCITED AAAAAH!!!!”
“here for #BINICHELLA” komento pa ng Spotify PH.
Agad naman na nagkomento ang P-POP group na BINI sa opisyal poster na ito ng Coachella, anila na super excited na silang mag perform at naghayag pa ito ng ‘see you soon’ para sa kanilang mga fans.

Hindi lingid sa marami na hindi lang sa Pilipinas sumikat ang BINI, hindi lang kasi mga pinoy fans ang excited na makita ang girl group na mag perform sa Coachella dahil maging ang kanilang mga banyaga o mga foreigner fans ay super abangers na din.
Ang performance ng BINI sa music festival na ito ang magaganap sa April 10 at 17, sumikat ang BINI sa Pilipinas at maging worldwide dahil sa hit songs nilang Pantropiko, Salamin-salamin, Cherry On Top at marami pang iba.
Ang purely filipino girl group na ito ay binubuo ng walong miyembro na sina Jhoanna, Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, at Sheena, marami rin sa mga blooms ang nagsasabing ito na ang hard launch ng BINI para sa international market.
Ani ng netizen : “THE HARD LAUNCH WE DIDN’T SEE COMING! We’ll soon see the Nation’s Girl Group bring their viral hits to the global stage! BINI is officially set to perform at Coachella next year. Congratulations, girls!”
Naglabas din ng kanyang pahayag ang isang miyembro ng BINI na si Aiah, para sa kanya ang paglabas ng official line up na kasama ang BINI ay sobrang dream come true para sa kaniya.
Say ni BINI Aiah : “Finally! Another dream of ours is ticked off the list. Coachella here we come!!!!! THANK YOU LORD AAAAAAHHHH,”