Bea Borres, ni-reject si Herlene Budol na maging ninang ng anak.

Viral ang eksena nina Herlene Budol at Bea Borres, matapos tanggihan ni Bea ang alok ni Herlene na maging ninang ni Baby Pea.

Sa naturang video na mabilis na nag-trending, makikitang nag-prisenta si Herlene bilang ninang ni Baby Pea.

Ani Herlene kay Bea : “Uy, kunin mo ’kong ninang.”

Ngunit deretsahan siyang tinanggihan ni Bea. Dahilan ng vlogger na puno na raw ang listahan.

Ani Bea : “Puno na yung list, eh.”

Samantala, pabirong komento ni Alex Gonzaga sa tabi nila: “Imagine, siya na yung nag-alok, tinurn down mo pa.”

Bagama’t mukhang masaya at light moment lang sa unang tingin, umani ito ng halo-halong reaksyon mula sa mga netizens na nakapanood ng clip. 

Marami ang nagsabing tila nakaka-offend daw ang pagtanggi ni Bea kay Herlene lalo na’t si Herlene mismo ang nag-prisenta na maging ninang.

Tila nasaktan din umano si Herlene dahil sa pagtanggi ni Bea.

Gayunpaman, para sa ilan, may karapatan naman si Bea na pumili ng ninang para sa kanyang anak, lalo na kung hindi naman malalim ang koneksyon nila ni Herlene.

May mga nagsabi ring mukhang practical decision lang ito ni Bea dahil puno na ang listahan at baka may mas close pa siyang gustong kunin.

May iba namang tiningnan ito bilang indikasyon na baka hindi talaga gusto ni Bea si Herlene maging bahagi ng mga ninang. 

May ilan ding nagsabi na ang pagiging ninang ay hindi dapat basta-basta at dapat pinipili nang mabuti.

Narito ang ilang reaksyon ng netizens :

“Napanood ko ito kagabi, nasaktan ako for Herlene. Isipin mo, siya na nagkusa maging ninang pero tinanggihan. Hindi ako supporter or basher ni Bea ha, basta masakit yun for Herlene.”

“Maybe Bea just doesn’t want Herlene to be Baby Pea’s ninang.”

“Exactly. Tsaka wala naman sila talagang pinagsamahan na malalim.”

“In short, she doesn’t like Herlene to be one of the ninangs.”

“Her baby, her rules diba?”

Samantala, ibinahagi ni Bea Borres na nasa level ng ‘high-risk pregnancy’ ang kanyang pagbubuntis. Isiniwalat niya na sobrang delikado ang kanyang pagbubuntis dahilan upang hindi muna siya tatanggap ng mga brand deals.