Bea Alonzo, nilinaw na hindi siya pregnant.

Bea Alonzo pregnancy rumors
Bea Alonzo

Na ‘wow mali’ ang mga netizens dahil hindi pa pala pregnant si Bea Alonzo.

Nilinaw ng aktres na si Bea Alonzo na hindi pa siya buntis matapos kumalat ang mga balitang siya ay pregnant na.

Bea Alonzo, hindi pregnant.

Ngayong araw Oct. 17, ibinahagi ni Bea sa kanyang social media ang latest photo niya na kuha sa kanyang birthday celebration, sa caption nilinaw ni Bea na hindi pa siya buntis.

Ayon sa aktres, ang mga kumalat na mga larawan online ay dahil lang sa ‘bad angle’ kaya nag-mukhang malaki ang tummy niya na nagmistulang may ‘baby bump”.

Caption ni Bea : “Thank you for all the birthday love, Feeling so grateful for another year of laughter, growth, and the people who keep me grounded.

“And for anyone curious about “the picture” — just caught at a bad angle after an amazing dinner, Glowing, not expecting.” dagdag ng aktres.

Baby bump viral photo ni Bea Alonzo.

Ito ang larawan na pinag-usapan sa social media matapos mapansin ng mga netizens ang malaking tiyan ni Bea. Kuha ito sa isang surprise dinner kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Vincent Co.

Bea Alonzo pregnancy rumors on Reddit
Reddit post tungkol kay Bea kung buntis na ba ito

Is Bea Pregnant? ‘yan ang tanong ng mga netizens pero kalaunan ay nilinaw ng aktres na hindi pa siya buntis at “not expecting” yet.

Bea Alonzo and Vincent Co.

Sa isang panayam ni Bea sa GMA Gala 2025 noong August 2, tinapos na ni Bea ang mga haka-haka sa social media dahil kinumpirma na nito ang relasyon niya sa negosyante na si Vincent Co.

Hiling rin ni Bea sa publiko na sana raw ay mas maging pribado pa ang relasyon nilang dalawa.

Say ni Bea : “I understand the curiosity… but I think the most beautiful things are the ones kept private, and I’d like to keep it like that.”

Marami naman sa mga netizens ang nalungkot dahil hindi pa pala buntis Bea.

Ani ng netizens : “Sayang naman Bea bakit hindi kapa buntis, pero choice mo naman yan pero sana magka-apo na so mother mo sayo, sayang ang yaman mo walang magmamana.”

“Hahaha love the caption. You are indeed glowing from within And sa true lang sana totoo na ang expecting, Excited sa mapuputing apo. Praying for your genuine happiness, good health, safety, peace and your hearts desires to come true Tisay! Happy Birthday.”

“The only expecting people should have when it comes to you is expecting great new things from you, Happy Bday Bea.” dagdag pa ng isa.