How true kaya ang chika na si Bea Alonzo ay pregnant na?
Viral sa social media ang video na kung saan napansin ng mga netizens na mukhang pregnant na si Bea Alonzo.
Sa naturang video kasi ay medyo mapapansin na ang ‘baby bumb’ ng aktres at ang paglaki o pagbilog ng katawan ni Bea, kitang-kita rin na palaging naka-alalay sa kanya ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Vincent Co.
Is Bea Alonzo pregnant?
Yan ang usap-usapan ngayon sa isang forum site na Reddit dahil mukhang endgame na talaga sina Bea Alonzo at ang negosyante na si Vincent Co.

Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang komento tungkol sa pagbubuntis diumano na ito ni Bea, anila nagdadalang-tao na si Bea kay ‘Puregold Jr’.
Say ng netizens : “Puregold Jr.”
“first pic there’s a shadow between her chest and stomach that indicate her stomach is protruding. could be weight gain. but hindi tugma sa size ng face. 90% chance pregnant.”
“‘Ang nakakatawa dyan if she is pregnant may masasabi na di maganda mga tanders sa fb kesyo nagpabuntis ng di kasal. Pinoproject nila mga insecurities nila sa ibang tao. Like hello nasa edad na siya. Plus she’s literally a billionaire married or not kaya nya maging magulang sa magiging anak nya.”
Sa ngayon, habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng pahayag si Bea Alonzo tungkol sa mga bali-balita o chika na siya ay buntis na.
Bea Alonzo and Vincent Co, relationship timeline.
Kung ating babalikan, ilang beses na lumabas sa mga ulat ang tungkol sa relasyon ng kapuso aktres na si Bea Alonzo sa negosyanteng si Vincent Co, ang CEO ng Puregold grocery chain.
Not until noong August 2, sa mismong GMA Gala 2025 interview, tinapos na ni Bea ang mga haka-haka sa social media dahil kinumpirma na nito ang relasyon niya kay Vincent.
Nanawagan naman ang aktres na gusto nilang mas maging pribado pa ang kanilang relasyon.
Wika ni Bea : “I understand the curiosity… but I think the most beautiful things are the ones kept private, and I’d like to keep it like that.”
Si Vincent ay anak ng mga bilyonaryong sina Lucio at Susan Co, taong 2024 ang negosyo nilang Puregold na may libo-libong branches nationwide ay nagkakahalaga na ng $2.3B.
Bea Alonzo at Dominic Roque.
Kung si Bea ay humihiling ng privacy sa relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend, iba naman ang naging set-up nila noon ng kanyang ex-boyfriend na si Dominic Roque dahil tila isang ‘open book’ ito at well documented.
July 2023, muntik nang mauwi sa kasalan sina Bea at Dominic dahil naging usap-usapan ang surprise proposal ni Roque kay Alonzo sa Las Casas Filipinas de Acuzar in Bagac, Bataan.
Akala ni Bea ay may photoshoot lang siya sa naturang event place pero nagulat siya na biglang nag-propose sa kanya si Dominic and she said ‘Yes!’.
‘Not a happy ending’, dahil lumabas sa mga ulat ang tungkol sa kanilang hiwalayan noong February 2024, kinumpirma rin ito ni Bea Alonzo at nilinaw na hindi siya ang nakipag-hiwalay sa relasyon nila ni Dominic.
Sa ngayon ay masaya na si Bea Alonzo sa piling ni Vincent Co at si Dominic naman ay masaya na rin sa relasyon nila ng aktres na si Sue Ramirez.