Lumabas na pala ang warrant of arrest ni Sen. Bato dela Rosa mula sa ICC.
Nagbigay ng babala si Harry Roque kay Bato dela Rosa matapos nitong makumpirma na inilabas na ng ICC ang warrant of arrest laban sa senador.
Ang warrant na inilabas ng ICC o International Criminal Court ay mula sa kasong isinampa kay Bato dela Rosa dahil may kaugnayan ang senador sa ‘war on drugs’ o ‘oplan tokhang’ na ipinatupad ng dating pangulo na si Rodrigo Duterte noong 2016-2018.
Kung ating babalikan, naaresto si Duterte noong March 11 sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport, matapos lumapag ang kanilang sinasakyan na eroplano mula sa Hongkong at agad-agad itong sinakay sa isang private plane para dalhin sa ICC o International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.
Kahapon, Dec. 7 ay nagbigay ang dating presidential spokesperson na si Harry Roque ng babala para kay Bato dela Rosa matapos nitong malaman na lumabas na ang warrant of arrest nito mula sa ICC.
Ani Harry Roque : “Sen. Bato, your warrant of arrest is out! Hwag ka pa- kidnap! Insist that you have the right to be brought before a Philippine Court first!”
Dagdag pa niya : “Matagal na ang ICC warrant para kay Sen. Bato. Pero kahapon lang officially received ng DOJ at DILG. Ngayon pa lang talaga sila gagalaw.”
Samantala, naglabas naman ng pahayag ang abogado ni Sen. Bato dela Rosa na si Atty. Israelito Torreon at sinabing handa silang humarap o harapin ang warrant of arrest mula sa ICC.
Ani Atty. Torreon : “We should have a clear cut implementing rules and regulations in that regard.”
Dagdag pa ng abogado : “[After that] bring it on, kung alam namin (if we know it) then bring it on. We will face it.”

