Batang ina vlog, umiyak dahil kay Queen Manica Money?

Ano ang issue ngayon ni Batang ina vlog kay Queen Manica Money?
Viral sa social media ang video na ibinahagi ni Batang ina vlog tungkol kay Queen Manica Money matapos siyang ma-late ng 2 hours.
Ayon kay batang ina vlog, hindi man lang sila inintindi ng team ni Queen Money kung bakit sila na late ng mahigit 2 hours dahil lahat raw ay nagalit sa kanila.
Aniya : “bakit naman ganun?wala po akong ibang masabi kundi pasensya dahil nalate kami ng 2hrs pasensya napo talaga ate queen money [crying emoji].”
Dagdag pa niya : “kahit anong panunuyo gawin ko at ng mga kasama nya subra yung galit dahil lang sa nalate kami?grabe naman yun alam kong naghintay kayo pero sana po maintindihan nyodin po kami diko enexpect na ganun pala sya likod ng cam!”
Nakarating naman agad kay Queen Money ang naging himutok na ito ni Batang ina vlog online at agad na sumagot para linawin ang issue.
Chika ni Queen Money : “Ha? 2 hours late LANG? Nila LANG mo oras ko? Pinag bigyan ka na pinost mo pa ko? hahahahahahahahaha”
Marami naman sa mga netizens ang nagsa-sabing baka prank lang raw ito ng dalawa at ito ay isa sa kanilang mga vlog collaborations.
Ani ng netizen : “Scripted na naman to HAHAHA naniwala naman kayo..”
“Prank ngani.. parang Di nyo alam Kung pano mag prank si ate queen!!”
Naniniwala naman ang ibang netizens na mukhang hindi ito prank at totoong nagkagalit na nga si Batang Ina at Queen Money.
Say nila : “sana di prank yan HAHAHA,si queen money pa talaga pinag hintay mo ng 2h HAHAHAHA grabe na to pa special na masyado.”
“Respect mo kasi ang time ng iba. Maaaring ikaw hindi hectic ang sched , baka sila kasi hectic.”
Dagdag pa ng isa : “Ok sana kung 2mins lng or kahit 10mins , 2 hrs late , haha di pwde ganyan.”





