Kinasuhan ni acting Davao City Mayor Baste Duterte si Nicolas Torre III ng kidnapping at ibang opisyal sa likod ng pag-aresto kay Rodrigo.
Kung ating babalikan, inaresto ang dating pangulo na si Rodrigo Duterte sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport noong March 11, sa isang pahayag sinabi ni Baste na napakalinaw na ang ginawa sa kanyang ama ay isang uri ng pagdukot o kidnapping.
Ani Baste : “Now you kidnapped an 80-year-old, retired, former president, what’s that? As if he did nothing good for our country that you’d treat him that way,”
Ang pag-aresto na ito sa dating pangulo ay tungkol parin sa kaso nitong ‘crimes against humanity’ na resulta ng kanyang drugwar-binigyang bisa ito ng isang warrant of arrest dahilan upang dalhin si Duterte sa ICC detention center sa The Hague, Netherlands.
Ngayong araw Sept. 15, pormal na sinampahan ni Baste ng kaso sa Office of the Ombudsman sa Mindanao ang mga opisyal sa likod ng pag-aresto sa kanyang ama sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Israelito Torreon.
Ani Atty. Torreon : “We recited the reasons why we filed the cases and we likewise cited the reasons why they could not interpose regularity of performance of duty doon po sa ating complaint,
“Hindi po nila po pwedeng sasabihin na may regular performance of duty kasi nga po ‘yung pag-serve noon, hindi pa nga ‘yun red notice kundi diffusion notice lamang,” dagdag pa ng abogado.
Sa 160-pages na complaint affidavit, nakasaad dito ang 9 (siyam) na kasong isinampa ni Baste kagaya ng kidnapping (8 counts), arbitrary detention (8 counts), qualified direct assault, expulsion, usurpation of judicial functions at administrative charges para sa grave misconduct.

Isa sa kinasuhan ni Baste ay ang kanyang himanon sa isang boxing match na si former Police Gen. Nicolas Torre III at sina John Does / Jane Does ang nagmamay-ari diumano ng private jet na kung saan sinakay ang dating pangulo patungo sa The Hague, Netherlands.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng kanyang pahayag si former Police Gen. Nicolas Torre III at iba pa na kasama sa complaint affidavit ni Baste.