Viral sa social media ang latest video ng content creator na si Awit Cruz o mas kilalang Awit Gamer matapos itong kinulam ng taga-Cavite.
Hindi lingid sa marami na matagal nang sumikat sa social media ang kapatid ng sikat na content creator na si Whamos Cruz na si Awit dahil sa mga nakaka-aliw nitong contents online.
Ngunit habang tumatagal ay maraming netizens na ang naiinis kay Awit o nayayabangan dahil sunod-sunod ang pag-flex nito ng kanyang pera at mga luxury cars.
Simula noong nauso ang pagre-reels sa Facebook, halos laman na ng reels feed ni Awit ay puro pagyayabang na umano ng kanyang kayamanan, pera at mga house and lots.
Naging usap-usapan rin si Awit matapos itong matalo sa casino ng mahigit P69M pesos, dito na bumagsak ang content creator at nag back to zero uli dahil naubos na ang kanyang magagarang mga kotse, bahay at pera.
Para naman makabangon siyang muli ay nagbukas ito ng kanyang munting negosyo online at ito ang ‘Bagoong Ni Awit’, para naman kay Awit ito ay isang pagsubok lamang sa kanya na ibinigay ng panginoon na kailangan niyang lampasan.
Ngunit ang pagbagsak na ito ni Awit papunta sa kahirapan ay sabay rin na bumagsak ang kanyang kalusugan, ibinahagi nito sa social media ang kanyang iniindang sakit na hindi nila alam kung ano ang dahilan.
Sept 14, ibinahagi ni Awit ang pagsugod sa kanya sa ospital ng kanyang pamilya dahil hirap na siyang umihi, hindi na siya makalakad at namamanas pa ang kanyang mga paa.
Makikita rin sa naturang video ang pag-iyak ni Awit dahil sa sakit na nararamdaman niya. caption pa ng vlogger : “Sobrang Hirap Ng sitwasyon ng ganto Para Nakong lumpo [crying emoji]”.

Dahil sa sakit na kanyang nararamdaman, agad na kumunsulta si Awit sa isang albularyo, dito na sinabi ng faith healer na siya ay kinulam dahil sa kanyang kayabangan.
Tanong ng Albularyo : “Ilan kayo ang gumagawa? [tanong ng albularyo habang umiiyak si Awit sa sakit]”.
Sagot ni Awit na sinaniban ng mangkukulam : “tatlo.”
“Taga saan kayo?” – muling tanong ng albularyo.
Sagot ni Awit : “Cavite..”

Sagot ng Albularyo : “Tang-ina niyo mga taga Cavite kayo.. ka-lugar ko pa kayo.. bakit niyo [kinulam] pinaparusahan ‘to? [si awit].
Sagot ni Awit na sinaniban ng mangkukulam : “mayabang.. mayabang..”
Sa ngayon ay hindi pa kumpirmado kung lehitimo ang albularyo na gumamot kay Awit dahil tila isang content creator din ito kagaya niya, mukhang for the content parin ang ginawa nilang ito na agad na napansin ng mga netizens.