Atong Ang, no. 1 most wanted na sa bansa.

Binansagan bilang most wanted si Atong Ang sa Pilipinas.

Nagkaka-halaga ng P10M ang patong sa ulo o pabuya kung sino man ang makaka-pagturo sa no. 1 most wanted na si Atong Ang.

Ibinahagi ng CIDG o Criminal Investigation and Detection Group ang wanted poster ng negosyante at gaming tycoon na si Atong kamakailan.

Nakasaad sa poster : “WANTED DILG’s MOST WANTED PERSON, CHARLIE TIU HAY ANG A.K.A. “ATONG ANG”. “BOSS AA” Alleged Mastermind in the multiple counts of Kidnapping with Homicide, and Kidnapping and Serious Illegal Detention of the “MISSING SABUNGEROS”.

Ito ay kaugnay parin sa mga kasong isinampa sa negosyante dahil sa kontrobersyal na pagka-wala ng mga sabungeros kamakailan. Nakaka-tukso rin ang halaga ng pabuya na ibibigay kung sino man ang makakapag-turo sa whereabouts ni Atong.

Ani ng CIDG : “REWARD: PHP 10,000,000.00 will be given to any person who will give information leading to the arrest of Charlie Tiu Hay Ang @ “Atong Ang”, “Boss AA.” NO QUESTIONS ASKED. Identity of the informant will be treated with utmost confidentiality.”

Narito naman ang mga contact no’s na maaring tawagan upang ituro ang negosyante.

PNP-CIDG HOTLINES :

  • SMART: 0960-6923025
  • GLOBE: 0945-6115926

Condition for claiming the reward :

  • Presentation of SIM card used in calling, giving information to the PNP-CIDG HOTLINES.

Nakasulat rin sa wanted poster na inilabas ng CIDG ang mga posibleng lokasyon ngayon ng gaming tycoon. Maaaring mahanap raw si Ang sa Pasig, Mandaluyong, Manila, Laguna, Batangas, Quezon o Zambales.

Bukod sa pagiging number one most wanted sa buong bansa, armado at mapanganib din ang turing ng DILG kay Atong kaya pina-kansela na ang mga rehistro ng kanyang mga armas.

Humiling na rin ang PNP sa INTERPOL ng red notice laban kay Atong at hold departure order mula sa DOJ para sa binansagang most wanted ng bansa.

Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang mga komento tungkol sa warrant of arrest at sa pagiging pugante ng negosyante.

Ani ng netizen : “Maryosep kahapon lang hinain warrant..tapos ngaun nakatakas na magkano Kya padulas at bantay sarado n kahapon Ng media Ang bahay. No I.D no entry tapos naglahong bigla…only in the Philippines…galing tlga Ng gobyerno magpakulo…svhn huhuliin at me hold departure pero wag ka pinalusot na yan Bago pa lumabas Ang warrant.”

Dagdag pa ng isa : “Ang galing naman ilang taon bago aristo, yung limot na ng tao bigla nila kinalkal para malihis sa tunay na problima ng bansa wla na ibang maisip e… nung nakaraan pa yan di nyo pinapansin kahit me tistigo ngayon nyo lang aksyonan para mawala sa main story ang bansa.”