Atong Ang, nagtatago sa Vietnam.

Nasaan na ba talaga si Atong Ang?

Kinumpirma ni DILG Sec. Jonvic Remulla na kasalukuyang nagtatago diumano ang wanted na si Charlie ‘Atong’ Ang sa bansang Vietnam.

April 7, ibinahagi ni Remulla na base sa nakalap nilang intelligence report nasa isang lugar raw sa Vietnam si Atong at nagtatago.

Ani Remulla : “Si Atong Ang, ang latest balita namin ay nasa Vietnam. Gumagawa kami ng diplomatic efforts para kausapin ‘yung counterparts namin doon para tingnan ‘yung immigration records nila kung nandoon talaga.”

Ayon pa kay Remulla, mukhang ilegal ang pag-punta ni Charlie Ang sa ibang bansa dahil sa Mindanao raw ito dumaan patungong Malaysia rekta pa Vietnam.

Dagdag pa niya : “I think sa backdoor siya dumaan noong na-announce na aarestuhin na siya. Doon siya sa Mindanao papuntang Malaysia tapos umabot siya ng Vietnam. Mga 2 weeks before yata nakaalis na by a backdoor.”

Hindi lingid sa marami na binansagang most wanted ng CIDG o Criminal Investigation and Detection Group ang business at gaming tycoon matapos ilabas ang kanyang warrant of arrest.

Ito parin ay kaugnay sa mga kasong isinampa laban sa negosyante dahil sa kontrobersyal na pagka-wala ng mga sabungeros kamakailan.

Nakaka-tukso rin ang halaga ng pabuya na ibibigay kung sino man ang makakapag-turo sa whereabouts ni Atong sa kasalukuyan na nagkaka-halaga na sa P20M.