Viral at usap-usapan sa social media ang asong si Luke matapos nitong iligtas ang kanyang pamilya sa Cebu earthquake.
Hindi lingid sa marami na likas talagang mapagmahal ang mga aso sa kanilang amo. At ayon pa nga sa mga sabi-sabi : “A dog is the only thing on earth that loves you more than he loves himself.”
At kahit ang aktor na si Daniel Padilla ay ipinagmamalaki nito ang pagiging loyal ng kanyang alaga, aniya : “Alam mo kung sino ang pinaka-loyal? Ang aso ko na si Summer.”
Kung ating babalikan, tinamaan ng malakas na lindol ang Cebu at ayon sa ulat ng ‘Phivolcs’ o Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nangyari ang malakas na lindol sa Bogo City, Sept. 30 ng gabi na may lakas na magnitude 6.9.
Kinabukasan ng Oct. 1 ay tumambad na ang mga pinsala ng malakas na lindol, mga bahay na nasira at mga taong binawian ng buhay.
Isa rin ang psychic na si Rudy Baldwin ang naging usap-usapan kinabukasan matapos mag-viral ang kanyang hula tungkol sa malakas na lindol sa Cebu na tila ay nagkatotoo na nga.
Sa gitna ng malungkot na dinanas ng mga Cebuano dahil sa lindol, isang aso ang nagpakita ng kanyang loyalty at pagmamahal para sa kanyang tagapag-alaga o sa kanyang pamilya.
Pinamalas ni Luke ang kanyang katapangan matapos nitong protektahan ang kanyang pamilya sa mga bumagsak na sementong pader ng kanilang tahanan.

Sa update naman ng Facebook page na ‘Hope For Strays’, ibinahagi nila na sa kasalukuyan ay maayos na ang kalagayan ni Luke matapos itong magtamo ng injuries dahil sa bumagsak na pader sa kanyang katawan.
Anila : “UPDATE ON LUKE THE HERO DOG OF CEBU — the dog who saved his family from the recent earthquake,
“Luke is the true definition of a hero. This incredible dog Daanbantayan, Cebu worked tirelessly during the 6.9 magnitude earthquake, putting his own safety aside.
“He sustained injuries in the process, but the good news is he is now safe! This brave boy has been rescued at 10:30 pm last night [Oct. 2] and brought straight to the vet to Doc Adrian’s clinic around 1 am at Grandline Veterinary Clinic. He will undergo x-ray and several tests.
“He deserves all the rest and recovery in the world.” dagdag pa nila.
Sa ngayon ay nanawagan ang ‘Hope For Strays’ ng kaunting tulong o donasyon para sa Hero dog na si Luke upang tuloy tuloy na ang kanyang paggaling, maaring bisitahin ang kanilang opisyal na FB page para sa karagdagang mga detalye.