Arwind Santos, sinuntok si Anton ‘Tonton’ Bringas.

Arwin Santos penalty upgraded to indefinite ban and 100,000
Arwind Santos and Anton Bringas

Hinatulan ng Indefinite ban si Arwind Santos ng MPBL matapos nitong suntukin si Anton Bringas.

Usap-usapan sa social media ang pamimisikal ng Basilan Starhose na si Arwind Santos sa GenSan Warriors na si Anton Bringas.

Kung ating babalikan Oct. 20, nagka-initan sina Arwind at Anton sa loob mismo ng basketball court sa South Division quarterfinals match nila sa Malolos Sports and Convention Center.

Nabigla at nagulat ang mga audiences matapos gumalaw ang kamao ni Santos at mabilis na dumapo sa mukha ni Bringas.

Agad na isinugod si Bringas sa ACE Hospital ng Malolos para masuri ng mga doktor matapos tamaan ng kamao ni Santos ang ilong nito at ang kanyang kaliwang mata.

Dahil sa pagsuntok ni Santos kay Bringas, agad na naglabas ng pahayag ang asawa ni Anton na si Julie Anne de Ocampo sa social media tungkol sa mga injuries ng kanyang asawa.

Aniya : “This is not just a minor injury. The damage is internal, and according to the attending doctor, there is a risk of vision impairment plus a fractured nose.

“As of now, we are still at ACE Hospital in Malolos, Bulacan, awaiting admission. This is a serious matter. We demand accountability and justice from MPBL. This is not just part of the game — this is a life potentially changed forever.” dagdag nito.

Agad naman na naglabas ng pahayag ang Maharlika Pilipinas Basketball League o MPBL tungkol sa parusa na ipapataw nila kay Arwind.

Anila : “Upon review of the footage of the incident from last Monday’s MPBL South Division quarterfinals games between the GenSan Warriors and the Basilan Starhorse, the MPBL has meted an indefinite suspension on Basilan player Arwind Santos,

“We condemn the incident and the MPBL will not tolerate such actions, especially during the playoffs.” dagdag nila.

Dito na pinatawan ng Indefinite ban si Arwind Santos at may penalty na P100k dahil sa pagsuntok nito kay Anton Bringas.

Bago pa man sampalin ng pagka-ban sa laro at in-cash penalty si Arwind ay nag-reach out na ito kay Anton Bringas na handa niyang sagutin ang mga gastusin nito sa ospital.