Arjo Atayde, namigay ng ayuda sa gitna ng flood control issue.

Courtesy : Arjo Atayde

Usap-usapan ngayon sa social media ang pamamahagi ni Cong. Arjo Atayde ng ayuda sa gitna ng issue nito sa flood control projects.

Hindi lingid sa marami na dinawit si Quezon City 1st District Congressman Arjo Atayde ng mag-asawang sina Curlee at Sarah Discaya sa senado (ang mga kontratista na nakakuha ng mga proyekto sa DPWH na may bilyones na halaga).

Naglabas kasi ng listahan ang mga Discaya at dito na napasama ang pangalan ni Atayde, ayon sa mag-asawa na isa si Arjo sa mga kongresista at mga opisyal ng DPWH ang kumuha sa kanila ng malaking pera mula sa pondo ng mga flood control projects ng kanilang kompanya.

Ayon sa mga Discaya, tumanggap diumano ng kickback si Cong. Atayde mula sa kanila, Ayon naman kay Curlee, tinext at chinat niya umano si Arjo na ibalik sa kanya ang PHP60M na kinuha umano ng kongresista sa kanyang kompanya na nagmula sa flood control projects.

Ani Curlee : “Actually po, yung tulong na tinext ko sila at chinat, yun po ang halaga ng dapat isauli nila sa amin, yung balanse pa po, for sample po, yung katulad kay Cong. Arjo Atayde po, bale PHP60 million po ang sinabi ko sa chat ko.”

Dahil sa pagkasangkot ni Arjo sa issue ng korapsyon, maraming mga netizen ang nakapansin kung bakit biglang naka-private na ang house tour vlog ni Atayde sa Youtube channel ni Julius Babao.

Ani pa ng netizen : “Napanood ko yan [housetour vlog].. ang mga collections nila ng mga paintings is wow.”

Sept. 20, ibinahagi ang isang social media post tungkol sa pamimigay ng ayuda ni Cong. Atayde, nagkaroon sila ng isang relief operation para sa mga biktima ng baha sa Brgy. Bagong Pag-asa at sa Brgy. Project 6 Quezon City.

Caption pa sa post : “Sa kabila ng nagdaang matinding pagbaha, tiniyak ni Cong. Arjo Atayde na makarating ang tulong sa bawat pamilyang nangangailangan—lalo na sa mga hindi nakalikas at nanatili sa kanilang mga tahanan,

“Ngayong araw, isinagawa ang relief distribution para sa mga residente ng Barangay Sitio San Isidro Bagong Pag-Asa/Brgy. Project 6 Sa bawat pagkakataon, ipinapakita ni Cong. Arjo na ang tunay na serbisyo ay walang hangganan—lagi siyang handang magbigay ng higit pa.” dagdag sa post.

Courtesy : Arjo Atayde social media post
Courtesy : Arjo Atayde social media post

Kung ating babalikan, pagkatapos masangkot ni Arjo sa korapsyon ay binigyang diin ng asawa niyang si Maine Mendoza na kahit kailan ay hindi umano sila binubuhay ng mga tax payers.

Ayon sa host-aktres lahat ng transaksyon ng kanyang mister ay alam niya at kasama siya, tinawag pa niyang ‘napaka-unfair’ ang pagdawit sa kayang asawa ng mga Discaya.