Courtesy : Julia Barretto, Vanie Gandler and Gerald Anderson

Anyare? Julia, Gerald at Vanie Gandler, usap-usapan online.

Nadamay ang Signal HD Spikers volleyball player na si Vanessa ‘Vanie’ Gandler tungkol sa break up nina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Hindi lingid sa marami na hanggang sa ngayon ay usap-usapan ang break up nina Julia at Gerald, kaya maraming netizens ang napatanong kung ano nga ba ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan.

Sa ngayon ay hindi pa naman kinumpirma ng dalawa na naghiwalay na talaga sila ng tuluyan, pero ayon sa talent manager na si Ogie Diaz, nasa ilalim ng ‘cool off’ stage ang celebrity couple.

Ayon pa sa source ni Ogie, napagod na umano si Julia at nag-iinsist umano ito na tuluyan nang hiwalayan si Gerald.

Ani Ogie : Hindi sa wala na [talaga] sila, ang sinabi sa akin [ng aking source] ay ayaw na ni Julia. Kung baga ayaw na ni Julia sa relasyon [nila] pero kay Gerald meron pa, si Julia [lang] ayaw na [talaga],

“Yun lang ang nakarating sa atin na hindi ko alam kung saan nanggagaling itong pag-ayaw ni Julia kay Gerald, kaya kung mapapansin ko raw sabi ng aking source, ‘tingnan mo hindi na sila nagkikita.’” dagdag ni Ogie.

Lumabas na ang mga haka-haka ng mga netizen kung bakit biglang umayaw na si Julia sa aktor, ano ang dahilan? may lumalabas pa na mga chika na third-party diumano ang natatanging dahilan sa kanilang hiwalayan.

Dito na kinaladkad ng mga netizens at Reddit users ang Signal HD spikers volleyball star na si Vanessa ‘Vanie’ Gandler, sa isang ulat kasi noong June 2025 dito na nag-umpisang ma-link ang player kay Gerald.

Ayon kasi kay Meg Perez na isang entertainment host, napansin umano nila na naging ‘regular’ na si Gerald sa kapanonood ng laro ni Vanie sa PVL o Premier Volleyball League.

Ani Perez : “Si Gerald [Anderson] laging nakikita na nanonood ng volleyball. Ang natsitsismis, mayroon isang member ng Philippine team, Alas Pilipinas, si [Vanessa] Gandler,

“Ito ay isang mestiza, beautiful parang si Jessy Mendiola, ‘yun ang tsini-tsismis na pinupuntahan o pinapanood ni Gerald.” dagdag pa ni Perez.

Samantala, agad naman na pinabulaanan ni Vanie ang chika na ito, aniya na walang katotohanan ang balitang nanonood si Gerald ng volleyball dahil lang sa kanya.

Ani Vanie : “Stop spreading fake news pls thanks!”

Courtesy : Vanie Gandler social media post
Courtesy : Vanie Gandler social media post

Sa latest episode naman ng ‘The issue is You!” ng taleng manager na si Ogie Diaz at Inah Evans, dito na nila nakapanayam ang tiyahin ni Julia Barretto na si Optimum star Claudine Barretto.

Agad na naitanong ni Ogie ang tungkol sa break up nina Julia at Gerald, sagot ni Clau : “Ako I don’t have any idea,

“Pero naririnig ko rin lang, ang daming mga fake news, may kung sino-sinong babae [na link kay Gerald], Gigi [de Lana], may ganiyan-ganiyan… Arci [Munoz].. napatunayan mo na fake.”

Courtesy : Claudine Barretto, Ogie Diaz and Inah Evans
Courtesy : Claudine Barretto, Ogie Diaz and Inah Evans

Dito na naitanong ni Ogie ang tungkol sa volleyball player na si Vanie Gandler sa tiyahin ni Julia na si Claudine.

Sagot ni Claudine : “Sino? Marami akong volleyball players na kaibigan at mga anak-anakan [ko], kaya lagi ako nasa PVL [games]..”

Inamin naman ni Clau na sa ngayon ay ayaw na niyang manood ng PVL games dahil may isang tao na kina-iinisan niya, agad naman na naitanong ni Ogie kung sino ang taong ito.

Sagot ni Claudine : “Siya! [Vanie Gandler] Ayoko nang makita.. Wala naman akong galit sa bata, hindi ko lang siya gusto, puwede naman ‘yun ‘di ba?

Sa ngayon, habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng kanilang pahayag sina Julia at Gerald tungkol sa kanilang break up.