Mainit na nagka-sagutan sina Anthony Taberna at Pinky Amador sa social media.
Pumalag si Anthony Taberna sa mga patutsada ni Pinky Amador, tinawag kasi na fake news ng aktres ang broadcast journalist.
Hindi lingid sa marami na sina Anthony at Pinky ay may magkasalungat na paniniwala sa politika, si Taberna ay isang DDS o Die Hard Duterte Supporter habang si Amador naman ay isang solid Kakampink.
Tinawag ni Pinky si Anthony na ‘fake news’ matapos puntiryahin ni Taberna si Sen. Risa Hontiveros. Pinagpipilitan kasi nito na may insertion ang senador sa national budget batay sa 2025 General Appropriations Act o GAA.
Pahayag ni Anthony : “Sabi ni Ping, HALOS LAHAT ng senador, may insertions, Sabi ni JV, LAHAT ng senador may insertions. Sabi ni Risa, WALA akong insertion!”
Agad na nilinaw ni Sen. Risa Hontiveros ang mga alegasyon na ito ni Taberna noong Oct, 3. at sinabing wala siyang bicam insertions, hindi rin umano siya pumirma sa bicam at bumuto pa ng ‘NO’ sa kontrobersyal na 2025 budget.
Ani Sen. Risa : “Wala po akong bicam insertions. Wala sa unprogrammed funds. PERIOD. Isa pa, HINDI AKO PUMIRMA sa bicam at bumoto rin ng NO sa kontrobersyal na 2025 budget.”
Nanawagan naman si Sen. Risa sa social media na wag agad maniwala sa mga pasaring na ito ni Taberna dahil ito ay malinaw na fake news.
Dito na nagbahagi ng isang video si Pinky Amador at pinuntirya nito ang negosyo ni Anthony Taberna na “Ka Tunying’s”.
Mapapanood sa naturang reel video ang paglapit ni Pinky sa isang stall ng Ka Tunying’s habang naka-focus ang camera sa logo ng negosyo na ito ni Anthony Taberna.

Hirit pa ni Pinky : “Bibili sana ako ng fake news [tinuro ang logo ng negosyo ni Taberna]”
Agad na pumalag si Anthony tungkol sa mga pasaring na ito ni Pinky sa social media at nilinaw nito na hindi siya nagpapa-kalat ng maling balita.
Ani Anthony Taberna : “Ma’am Pinky Amador, wala pong fake news sa amin. Pero try nyo po ang MALUTONG na MURA pa na rice crackers,”
Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang komento tungkol sa sagutan na ito nina Anthony Taberna at Pinky Amador.
Ani ng netizen : “Naglabasan na Ang mga kampung ng kadiliman nag Sanib pwersa akala nila laging magwawagi Ang kasamaan dios na nila Ang naka upo sa pamahalaan.”
“Pero mas malasa po ang fake news ka tunying, kayang buhayin ang pamilya di ba po?”
“I know him personally. Yuck ka talaga Tunying kaya kahit sa Nueva Ecija nagsara business mo kumag ka!” dagdag pa ng isa.