Menu
Anne Curtis, binastos ni Bong Suntay.

Ano ang issue ni Bong Suntay sa It’s Showtime host at aktres na si Anne Curtis?
Pumalag ang mga netizen sa pambabastos ni Quezon City 4th District Representative Bong Suntay sa aktres at tv host na si Anne Curtis.
Hindi lingid sa marami na usap-usapan ngayon sa social media ang naging remarks ni Suntay tungkol kay Anne na hindi nagustuhan ng maraming naka-panood.
Sinambit ni Suntay ang kanyang remarks tungkol kay Anne noong March 3, habang sila ay nasa deliberations of the House Committee on Justice.
Ani Suntay : “Alam niyo, minsan, minsan nasa Shangri-La ako. Nakita ko si Anne Curtis. Ang ganda-ganda pala niya. You know, may desire sa loob ko na nag-init talaga, na-imagine ko na lang kung ano’ng pwedeng mangyari.”
Dagdag pa niya : “Pero siyempre hanggang imagination na lang ‘yon. Pero ‘di naman siguro ako pwedeng kasuhan kung ano ang na-imagine ko eh.”
Maraming netizens at celebrities ang pumalag sa naging pahayag na ito ni Suntay, maging ang mismong ina at kapatid ni Anne ay naglabas na rin ng kanilang mga naging reaksyon tungkol dito.
Ani ng ina ni Anne na si Carmen : “Mr. Bong Suntay [you are a] sick man, I reckon!! [You’re] foul!!”
Ani naman ni Jasmine Curtis : “WHAT A DISGUSTING MAN. A FATHER. A HUSBAND.”
Maging ang Quezon City Mayor na si Joy Belmonte ay nanawagan rin kay Suntay na mag-labas o mag-issue ito ng public apology para sa aktres.
Ani Mayor Belmonte : “We call on Congressman Suntay to take full accountability for his remarks, issue a proper apology, and conduct himself with the dignity that his office—and our city—demand. Our people deserve no less.”


