May bagong proyekto ang TV5 para sa bagong loveteam na sina Andrea Brillantes at Enrique Gil.
Usap-usapan sina Andrea Brillantes at Enrique Gil matapos lumabas ang mga balitang magkakaroon sila ng bagong proyekto sa TV5.
Hindi lingid sa marami na ang dating kapamilya na si Andrea ay ngayo’y kapatid na matapos itong pumirma ng kontrata sa ilalim ng MQuest Ventures noong Oct. 23, ang TV film at entertainment division ng TV5.
Kung ating babalikan, ang aktor na si Enrique ay nauna nang pumirma ng kontrata sa MQuest Ventures noong March 2025.
Marami umanong pasabog sa taong 2026 ang TV5 dahil maraming proyekto na ang naka-plano, tila isa rin ito sa dahilan kung bakit pinutol na nila ang kanilang partnership sa ABS-CBN kamakailan.
May mga lumalabas rin na mga balitang hindi nagampanan ng ABS-CBN ang kanilang financial obligations sa TV5, hindi diumano na-remit ng kapamilya network ang P1B pesos na advertisements revenue share na para sa kapatid network.
Ani ng ABS-CBN : “Alam namin na may mga obligasyon kaming dapat tuparin, at ginagawa namin ang lahat para magampanan ang mga ito. Anuman ang mangyari, patuloy ang aming paglilingkod sa inyo.
“Hahanap at hahanap kami ng paraan para maabot kayo, tulad ng paghanap namin ng daan para makabalik sa inyo matapos mawala ang aming franchise. Ang paglilingkod sa Pilipino ang aming misyon at layunin. At patuloy naming gagampanan ito sa abot ng aming makakaya.” bahagi ng pahayag ng ABS-CBN.
Tila lumalabas rin na bibigyang daan ng TV5 ang kanilang mga bagong palabas o serye sa 2026 dahilan upang niligwak nila ang mga Kapamilya shows na umeere sa kapatid network.
Isa na rito ang niluluto nilang programa o serye para kina Andrea at Enrique na may pamagat na ‘A Secret in Prague’.
Marami naman sa mga netizens ang nalungkot at nadismaya dahil hindi na nila mapapanood ang mga serye at programa ng ABS-CBN sa TV5.




