Ano kaya ang cause of death ng anak ni Baby Jean o mas kilalang Batang Ina vlog?
Usap-usapan ngayon sa social media ang masamang balita mula kay Baby Jean o Batang Ina vlog matapos nitong ibahagi ang pagpanaw ng kanyang anak.
Sa social media post ni Batang Ina vlog, ibinahagi nito ang biglaang pagkamatay ng kanyang panganay na babaeng anak.
Caption niya : “paalam anak ko mahal na mahal kita hindi parin ako makapaniwala. hindi ko alam kung kaya kopaba ito!!! sana isang panaginip lang ang lahat.”

Ano ang cause of death ng anak ni Baby Jean o mas kilalang Batang Ina vlog?
Marami sa mga netizens ang nagsasabi na baka raw ay nalunod ang anak na ito ni baby Jean o Batang Ina vlog dahil sa recent reels nito na masaya silang naliligo sa swimming pool.
Anila : “Baka nalunod yan, kasi 7 hours ago na vlog pa ni batang ina ang pagligo nila sa swimming pool, baka pinabayaan kaya nalumos inuna pa mag content.”
Nilinaw naman ni Batang Ina na ang mga hula ng netizens tungkol sa biglaang pagpanaw ng kanyang anak ay walang katotohanan.
Aniya : “huwag kayong paladesesyon sa nangyari intayin nyo ako magkwento ng malaman nyo buong katotohanan pati ba naman anak ko gagawan nyo ng issue!!”
Komento naman ng netizen : “You are working as an influencer in social media you should expect those comments. You cannot control peoples opinion but you can control your emotions which means the best thing you can do is to let it flow and prove them wrong.”
Agad naman na naglabas ng pahayag ang kapatid ni Batang Ina vlog na si Miss Marikit at nilinaw nito na hindi totoong nalunod ang kanyang pamangkin.
Paglilinaw ni Miss Marikit : “Wag kayo fakenews grabe ginagawa niyo sa pamilya namin. Una sa lahat hindi nalunod ang pamangkin ko kundi natutulog lang hanggang ngayon pambabash pa din alam niyo kahit ngaun lang Tumigil kayo sa pambabash niyo,
“Kahit ngayon lang kung sa inyo mangyari yan sa tingin niyo ano kaya mararamdaman niyo ha?Sana nga hindi yan mangyari sa inyo.” dagdag nito.
Batang Ina vlog, binatikos ng mga netizens.
Marami naman sa mga netizens ang hindi nagustuhan ang pagpopost sa social media ni Baby Jean o mas kilalang Batang Ina Vlog tungkol sa biglaang pagkamatay ng kanyang anak.
Anila na hindi manlang binigyan ng kahihiyan at dignidad ang kanyang anak dahil hanggang sa pagpanaw nito ay ginagawa parin nilang content online para kumita.
Chika ng mga netizens : “Hindi man lang binigyan ng dignidad yung anak, hanggang sa huli content pa rin tangina.”
“Nakaka awa. Pero sana naman wag na ivlog/gawing content. Haist confidence po.”
“Well, hindi ko sya kilala pero sa tingin ko mag-aanak lang naman yan ulit tas gagawin ulit content. Ginawang personality pagiging batang ina. Nakakagigil. Kawawa yung bata!” dagdag pa ng isa.