Alvin Aragon, kampi kay Anne Curtis laban kay Bong Suntay.

May say si Alvin Aragon tungkol sa issue ni Bong Suntay kay Anne Curtis.

Pumalag si Alvin Aragon matapos ang pambabastos ni Quezon City 4th District Representative Bong Suntay sa aktres at tv host na si Anne Curtis.

Kung ating babalikan, hindi nagustuhan ng mga netizens ang naging remarks ni Suntay kay Anne noong March 3 habang sila ay nasa deliberations of the House Committee on Justice.

Ani Suntay : “Alam niyo, minsan, minsan nasa Shangri-La ako. Nakita ko si Anne Curtis. Ang ganda-ganda pala niya. You know, may desire sa loob ko na nag-init talaga, na-imagine ko na lang kung ano’ng pwedeng mangyari.”

Dito na pumalag ang maraming celebrities maging ang kontrobersyal na personalidad na si Alvin. Para kay Aragon maiiwasan ang mga ganitong pambabastos kung maayos manamit ang isang babae.

Ani Alvin : “Anong sabi ni Jesus? ‘If you look lustfully at the woman, you have already committed adultery in your heart’. Tignan mo pa lang ang babae nang nagnanasa ka, parang ginawa mo na ‘yung physical act.”

Dagdag pa niya : “Kaya Filipino men protect your wife, may ‘Sin of lust’ kasi. And Filipino women dress modestly to avoid sexuaI desire. ‘Kasi nga may Sin of lust. Alam nyo mahirap talaga yan iwasan. Si Jesus lang ang makakatulong sa ’yo ma-overcome yan.”

Pumalag rin sa naging pahayag na ito ni Suntay, ang mismong ina at kapatid ni Anne na agad na naglabas ng kanilang mga naging reaksyon tungkol dito.

Ani ng ina ni Anne na si Carmen Smith : “Mr. Bong Suntay [you are a] sick man, I reckon!! [You’re] foul!!”

Ani naman ni Jasmine Curtis : “WHAT A DISGUSTING MAN. A FATHER. A HUSBAND.”