How true ang chika na isang rubber shoes lang ang katapat at na-booking na ni Allan K si James Yap?
Viral ang video ng aktor at komedyanteng si Anjo Yllana tungkol sa diumano’y pag-booking ni Allan K sa basketball player na si James Yap.
Naglabas ng banat si Anjo laban sa Eat Bulaga host at komedyanteng si Allan K matapos itong magkomento patungkol sa balak niyang pumasok sa politika at maging senador.
Say ni Anjo : “Kapag nanalo akong senador, mababawasan ng isang magnanakaw. Madadagdagan ngayon ng isang honest na senador kung sakaling manalo ako.”
Dito na nagkomento si Allan K at sinupalpal si Anjo na dati niyang katrabaho. Wika nito na huwag nang dumagdag pa sa sakit ng ulo ng ating bansa.
Ani Allan K : “Lahat naman, ganiyan sinasabi!! May mga tao talaga ‘pag pera pinag-uusapan, nagbabago ang pag-iisip. Wag ka na dumagdag sa sakit ng ulo ng mga Pilipino.”
Dito na naglabas ng isang TikTok video si Anjo Yllana at inilabas ang baho ni Allan K. Chika pa nito na dahil tapos na itong magkomento tungkol sa pagtakbo niya bilang senador, siya naman raw ang magsasalita.
Panimula ni Anjo : “Unang-una, si Allan K, masama [talaga] ang loob ko dyan dahil binentahan ako nyan ng Lincoln Navigator [car] na napaka-mahal, parang nasa P2.6 million. Hindi ko alam, ‘yung binenta sa akin, sira pala. So masama [ang] loob ko. Sabi ko masamang ugaling baklita pala ‘to. Simula noon, hindi na ako masyadong nagdididikit dyan.”
Pagbabahagi pa ni Anjo na pinaayos niya ang air pressure ng kotse na binenta sa kanya ni Allan K at gumastos siya ng PHP900k pero naibenta lang niya ito ng isang milyon.
Dito na inilabas ni Anjo ang iba pang alas niya laban kay Allan K, binuko niya ang mga basketball players na nabo-booking raw nito kapalit lang ang isang rubber shoes.
Pagpapatuloy ni Anjo : “Lahat daw ng basketball na amateur, bino-booking niya. Sabi ko, ‘Paano mo nabo-booking yan?’ Binibigyan lang daw niya ng rubber shoes tapos inuuwi na,
“Eh may nagtanong, ‘Eh si James Yap?’ Tumatawa-tawa siya tapos umamin siya na dinala niya daw si James Yap sa bahay niya sa Tandang Sora at binigyan lang ng magandang rubber shoes, na-booking na niya.”
Dagdag pa ni Anjo : “Ayan. James Yap galing kay Allan K yan. Na-booking ka na daw ni Allan K. Sa kanya mo tanungin. Siya ‘yung nagkukuwento eh. Mr. Councilor James Yap, noong hindi ka pa raw professional, sapatos lang daw ang katapat mo, na-booking ka na.”
Pahabol pa nito : “Maraming salamat, Allan K. Sige banatan mo [pa] ako at baka may alam pa ako sa ‘yo. Abangan [mo] sa susunod na kabanata”.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng kanilang mga pahayag sina Allan K at si James Yap.

