Acting OUT, singing IN na ba ngayon si Aljur Abrenica?
Naglabas ng kanyang pahayag ang aktor na si Aljur Abrenica tungkol sa mga singing meme niya sa social media.
Hindi lingid sa marami na ilang beses naglabas ng kanyang mga song covers si Aljur sa kanyang Instagram account, gaya na lang sa mga kanta ng Maroon 5 na ‘Sugar’ at “She Will be Loved’.
Sinundan niya pa ito ng kantang ‘I Live My life For You’ ng Firehouse at ‘tatsulok’ ni Bamboo.
Agad naman na nag-viral ang mga song covers na ito ni Aljur at nagkaroon pa ng iba’t-bang memes online.
Ani ng netizen : “She’s gone naman, para hnd kna mahirapan.”
“While watching this I feel like I want to go to the bathroom, something wants to get out I don’t know what to say HAHA chawoot.” dagdag pa ng isa.
Ayon kay Aljur Abrenica, very aware siya sa mga singing meme at mga komento ng mga netizens tungkol sa kanyang mga song covers. Inamin pa ng aktor na ang music ay may malalim na koneksyon sa kanyang pagka-tao dahil ito raw ang pampa-kalma niya.
Wika ni Aljur : “Natatawa ako sa mga comment ng mga tao. Hindi lang ito trip-trip lang, kundi paraan para ipakita kung sino siya sa likod ng kamera,
“Pag lumipas ang panahon, makaka-kanta pa ba ako? Kahit sintunado, kahit sino naman, pwede kumanta. I really love music. It is very personal for me. Singing your heart out, iyon ‘yung pangpa-kalma ko.” dagdag pa ng aktor.

