Courtesy : Alex Gonzaga

Alex Gonzaga, pinatanggal ang kanyang rhinoplasty implant.

Masayang ibinahagi ng vlogger na si Alex Gonzaga sa kanyang Youtube vlog na pinatanggal na niya ang kanyang rhinoplasty implant.

Kung ating babalikan, Dec. 2023, ibinahagi ni Alex na sumailalim siya sa isang rhinoplasty surgery. Ipinost niya sa kanyang Instagram ang newly enhanced niyang ilong na umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa mga netizen.

Ayon sa kanya, ilang taon din niyang pinag-isipan kung magpapa-enhance pa siya ng kanyang ilong ngunit hanggang sa isang araw ay napag-desisyunan ni Alex na ituloy ito.

Caption ni Alex : “I say do what makes you happy! After so many years of contemplating, last month I finally decided to do it [nose enhancement surgery]. Wala ng nakapigil. Now you nose!”

Courtesy : Alex Gonzaga
Courtesy : Alex Gonzaga

Maraming netizens ang nagsasabing mukhang avatar na ang look ng vlogger dahil hindi umano bagay sa kanya ang tangos ng kanyang ilong na masyadong na over-tangos raw.

Ani ng netizen : “Ano ba yan.. hindi pa makuntento yan tuloy ikaw na ang bagong cast sa Avatar. for sure magsisi ka sa huli madam alex.”

Kaya ngayong araw sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Alex sa kanyang mga fans na tuluyan na nitong pinatanggal ang kanyang nose implant sa loob ng 2 years.

Courtesy : Alex Gonzaga
Courtesy : Alex Gonzaga

Aniya : “Pinatanggal ko na.. wala na siya.. wala na out na.. tanggal na.. wala na ang aking goretex.. pinatanggal ko na ‘yung ilong ko.. so after 2 years parang nag playtime lang ako, parang naglaro lang ako.. so after 2 years nakapag-decide ako na tanggalin ko nalang,”

Ayon kay Alex ang problema o ang isa sa naging concern umano niya sa kanyang rhinoplasty ay mabilis mamula ang kanyang ilong lalo na kung malamig.

Aniya : “Isa sa naging concern ko is.. even sina Toni Fowler napapansin nila is laging namumula ‘ang ‘yung ilong ko.. I think iba sa inyo napapansin din ‘yun.. namumula siya na kapag malamig, kapag puyat ako.. pagod ako… parang ganun.”

Para naman sa asawa ni Alex na si Mikee Morada, hindi na siya papayag na may ipapagawa pa si Alex sa kanyang katawan, aniya na last na umano ang kanyang ilong since pinatanggal na niya ito, wala na sanang ipagawa pa muli ang kanyang asawa.

Ani Mikee : “Una kung tiningnan kung safe si Catherine [Alex] kung okay siya… sa’kin naman kung ano gusto niya kung anong maganda.. support lang ako lagi.. wala naman akong halos nakikitang pagkaka-iba na nakikita so okay naman kahit alin.. maganda naman ‘yung dati.. maganda naman ‘yung ngayon,

“‘Yun eh kung magpapagawa pa siya ng iba pang ano eh. hindi na ako papayag.. tama na ‘yung isang in-enhanced.. ngayon ang ending tinanggal din.. so, kung ano pa ‘yung maisipan ni Catherine [tapos] tatanggalin na naman.. tama na.. hindi naman kailangan..” dagdag ni Mikee.