Alden Richards, may banta kay Zaldy Co.

Courtesy : Zaldy Co and Alden Richards
Courtesy : Zaldy Co and Alden Richards

Viral sa social media ang IG story ni Alden Richards tungkol kay former Ako Bicol Partylist Representative na si Zaldy Co.

Ang post na ito ni Alden ay tungkol sa P35.2 Bilyon na naging budget insertion diumano ni Zaldy Co para sa mga flood control projects ng Bulacan.

Nakasaad sa infographic : “Para maubos mo ang 1 billion in a year, you need to spend 2.8 million pesos per day.

“Para maubos mo ang 35 billion in a year, you need to spend you need to spend 98 million pesos per day.” nakasulat sa imahe.

Mas agaw-pansin sa mga netizens ang naging caption ni Alden sa naturang post, aniya : “May araw ka rin.”

Courtesy : Alden Richards post about Zaldy Co
Courtesy : Alden Richards post about Zaldy Co

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabing pabor na pabor sila sa naging post na ito ni Alden, sinabi pa nila na magagalit talaga ang aktor dahil malaki ang taxes nito annually.

Ani ng netizen : “Magagalit tlga yan milyones tax nyan tapos kung sino lng mkikinabang.”

“tpos bulacan ngayon grabi kawawa sila ilang taon na sila lubog sa baha ang bahay nila hindi na mapakinabangan, kaya yung iba na walang wala ng titiis nlng.. tapos c Zaldy Co may 35+billion pala pera kinuha sa kaban ng bayan, hindi sapat ang makulong lang ang taong yan.. nakakainis nakaka-highblood..” dagdag pa ng isa.

Hindi lingid sa marami na isa si Zaldy Co sa mga politikong nasasangkot ngayon sa korapsyon ng mga proyektong ipinagkatiwala sa kanyang construction company.

Inaakusahan rin si Zaldy na kumukuha ng ‘kickback’ mula sa mga kontratista na nakakakuha ng proyekto mula sa pamahalaan.

For a quick background, si Rizaldy ‘Zaldy’ Co (ang former Ako Bicol Partylist Rep.) at ang CEO ng Sunwest Group of Companies o Sunwest Inc.

Ang Sunwest Inc. ay pinagkalooban ng Bilyones na kontrata mula sa DPWH o Department of Public Works and Highways taong 2023 hanggang 2025 para sa mga proyekto gaya na lamang ng mga kalsada, mga gusali, tulay at lalong-lalo na para sa mga flood control projects.

Samantala, naglabas naman ng pahayag si Michael Ellis Co online, ang anak ng diumano’y korap na politiko na si Zaldy tungkol sa issue ng flood control projects.

Ayon kay Ellis, ang galit umano na nagmumula sa taongbayan ay valid, sa ngayon ay hiyang-hiya umano siya dahil sa kanyang ama na nasasangkot sa korapsyon na mainit parin na pinag-uusapan ng buong Pilipinas.