Alamin ang cause of death ni Ivan Cezar Ronquillo.

Ano kaya ang dahilan kung bakit pumanaw ang boyfriend ni Gina Lima na si Ivan Cezar Ronquillo?

Isinapubliko ng Quezon City Police District ang cause of death ni Ivan Cezar Ronquillo, siya ay pumanaw noong November 19.

Kung ating babalikan, pumanaw ang model na si Gina Lima 23, matapos isinugod ni Ivan ang dalaga sa ospital noong November 16 ngunit siya ay dead on arrival.

Dito na lumabas ang mga alegasyon ng mga netizens at ng mga malalapit na kaibigan ni Gina na mismong si Ivan umano ang pumaslang sa dalaga sa pamamagitan ng physical abuse.

Nauna nang nilinaw ni PLTCOL Edison Ouano, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD, na walang nakitang senyales ng strangulation o pasa na nagpapahiwatig ng pambubugbog sa katawan ni Gina.

Tatlong araw matapos pumanaw si Gina ay tila lumabas ang mga balitang binawi ni Ivan ang sarili niyang buhay.

Kinumpirma ni La Loma Quezon City Police District Station Commander Lt. Col. Jose Luis Aguirre nitong Miyerkules, November 19, na nag-ugat ang pagkamatay ni Ivan sa self-inflicted harm sa loob mismo ng kanyang tahanan.

Paniniwala ng iilan na nagkaroon ng depresyon si Ivan dahil sa biglaang pagpanaw ni Gina kasabay ang mga pambabatikos sa kanya sa social media matapos kumalat ang mga maling impormasyon sa pagkamatay ng kanyang girlfriend.

Ang huling post ni Ivan : “Kay kevin tan yg maraming salamat sa ginawa mo sa mukha… justice narin bahala sayo at maraming salamat sa pag kalat maling impormasyon.”

Kinabukasan, natagpuan si Ivan na ‘unresponsive’ sa mismo nitong tahanan sa Brgy. Apolonio Samson ng 7:10 ng umaga.

Ani ng QCPD : “According to initial reports, a tenant of the apartment building informed the victim’s father upon seeing an individual hanging from the metal stairs located on the third floor. The father immediately checked and confirmed that it was his son.”

“They then cut the hose used as ligature and sought assistance from Brgy. Apolonio Samson officials, who transported the victim to the Quezon City General Hospital.

“Despite efforts to revive him, the attending physician declared him dead on arrival at 7:20 AM.

“A cursory examination showed no external injuries other than the ligature mark on his neck.

Dagdag pa ng QCPD : “Prior to the incident, relatives stated that the victim had been experiencing emotional distress following the sudden passing of his girlfriend the previous day.”

Samantala, sa social media ay bumaha ang mga komento kung saan pinapaalalahanan ang lahat sa epekto ng maling impormasyon, kasunod ng nangyari kay Ivan.