May limang anak na pala si Aj Raval 25, ang tatlo ay kay Aljur Abrenica.
Lakas loob na inamin ng former Vivamax aktres na si AJ Raval sa kanyang interview sa Fast Talk with Boy Abunda na may lima na siyang anak.
Sa live interview ni AJ Raval noong November 12, sinabi niyang “Aaminin ko na para matapos na”.
Pero naging emosyonal ang aktres pagdating sa kanyang pangalawang anak na si Aaron dahil ito raw ay ang anghel niya.
Pagbabahagi ni AJ : “Actually Tito Boy, lima na po. I have five kids, first one is my Arianna, panganay ko po siya, seven [years old]. And then, second one is Aaron. He’s an angel. Wala na po siya. And then, third one is Althena, ‘yung panganay po namin si Aljur [Abrenica]. [Si] Junior, and then Abraham.”
Ayon kay AJ, inamin niya ang tungkol sa kanyang mga anak para magkaroon na sila ng freedom at wala nang tinatago pa sa publiko.
Say niya : “Gusto ko na pong matapos, and gusto ko na po magkaroon ng freedom ang mga kids”.
Nagbigay naman ng kanyang mensahe ang aktres para sa kanyang mga anak, aniya na huwag sana gumaya ang mga ito sa kanya at sa mga pagkakamali niya sa buhay.
Payo ni AJ : “Maging mabuti silang bata, huwag silang gagaya sa akin”.
Marami naman sa mga netizens ang humanga sa katapangan na pag-amin na ito ni AJ, dahil ngayon ay malaya na ito na i-flex ang kanyang mga anak.
Ani ng netizens : “what’s wrong with having 5 babies? as long as kaya mo buhayin. Im 28. gave birth to 5 beautiful creatures.. eldest turned 7 last week, 2nd is 5 (2020) 3rd is 2022 (now in heaven) 4th is 2 (2023) just gave birth last aug (CS and got ligated) oh so ano problema dun? why does everyone think its funny?”
“I salute this girl for being a proud mom. Other celebrities would typically hide that truth about their personal life.”
“napakatapang nia para ilantad ito. khit alam niang maraming mang babash sa knya.” dagdag pa ng isa.



