Ai Ai delas Alas, engaged na ulit?

Engaged na muli ang komedyanteng si Ai Ai delas Alas.

Tila muling ikakasal si Ai Ai delas Alas dahil engaged na ito sa kanyang non-showbiz new boyfriend matapos itong sumagot ng ‘Yes’.

Hindi lingid sa marami na naging masalimuot ang naging relasyon ni Ai Ai sa kanyang ex-husband na si Gerald Sibayan matapos silang mag-hiwalay noong October 2024.

Si Ai Ai at Gerald ay ikinasal noong noong December 12, 2017, isang uri ng star-studded wedding. Tumagal lang ang kanilang relasyon bilang mag-asawa sa loob ng 7 years.

Kung ating babalikan, December 2, 2025 naman ay tuluyan nang tinuldukan ni Ai Ai ang koneksyon niya kay Gerald matapos niyang ibenta ang kanilang engagement ring kay Boss Toyo na nagkaka-halaga ng P250k.

Chika ni Ai Ai kay Boss Toyo : “Na-surprise lang ako kasi parang bilang, hindi naman, hindi naman malaki yung ano niya, yung income niya, but still, binilhan niya ako ng magandang singsing. Alam mo, yun ganun.”

Samantala, muling pinag-usapan ng mga netizens ang estado ngayon ng bagong relasyon ng komedyante, viral kasi sa social media ang balitang engaged na muli si Ai Ai delas Alas sa kanyang new boyfriend.

Caption pa ng naturang post : “Handa nanga raw palang magpakasal ulit si Ai Ai Delas Alas sa actual Proposal sa kanya and she said yes!”

Sa naturang video, makikita ang malaking banner na may naka-sulat na ‘Will You Marry Me?’ habang nagulat naman ang komedyante dahil biglang lumuhod ang kanyang new boyfriend na may hawak na engagement ring.

Sumagot naman si Ai Ai ng isang masayang ‘Yes!’.

Komento pa ng netizens : “Baka yan ng ang kasama mo sa pagtanda aiai. Pero maging matalino pa din sana.”

“Haba ng hair ms Ai, praying for you n cia n tlga forever mo.”

Dagdag pa ng isa : “Bata po uli,,miss Aiai wla nman ngbbwal umibig,,pero sana learn from your mistakes,,wag na masyado bigay lahat.”