Matapos malaman ni Ate Gay na mayroon siyang stage 4 cancer, umiiyak itong humiling na gusto pa niyang mabuhay ng matagal.
Hindi lingid sa marami na na-diagnosed ng stage 4 cancer si Gil Aducal Morales 54, o mas kilalang Ate Gay sa mundo ng showbiz at komedya.
Sa latest vlog ng talent manager na si Ogie Diaz, nakapanayam nito si Ate Gay at dito na ibinahagi ng komedyante na kahit may taning na ang kanyang buhay base sa nauna nitong doktor, umaasa parin siya na sana raw ay mabuhay pa siya ng mas matagal.
Naikwento rin ni Ate Gay ang pag-show niya sa Canada kahit na may iniinda na siyang sakit, dahil sa mga panahon na ito ay lumalaki na raw ang bukol sa kanyang leeg.
Ani Ate Gay : “Doon na lumaki [ang bukol ko] sa Canada.. habang nagsho-show ako dumudugo siya [bukol].. hindi alam ng mga tao na habang nagpapatawa ako pero may iniinda akong sakit.
“Hindi na nga ako lumabas at hindi ko na na-enjoy ang Canada dahil nga any moment sumisirit ‘yung dugo dito sa leeg ko, buti nga sa eroplano ang bait bait nito [tinuro ang bukol niya sa leeg] dahil hindi siya dumudugo..” pagbabahagi ng komedyante.
Masayang ibinahagi rin ng komedyante na sa kabila ng kanyang karamdaman ay may mga taong mabubuti ang mga puso na handang tumulong sa kanya para agad siyang gumaling, may isang tao rin na sinagot na ang kanyang medical treatment at chemotheraphy sa isang kilalang ospital.
Ani Ate Gay : “May isang anghel na tumulong sa akin na ilibre ako doon sa napaka-mahal na hospital, napaka-gandang hospital.. Magagaling na mga doctor, natutuwa ako kasi may pag-asa na ako, kasi nagbunga yung mga dasal [ko]. May isang anghel, nilibre po ako sa chemo, sa radiation para mabuhay po ako. Ang mahal mahal po ng hospital na iyon kaya marami pong salamat.”
UnionBank Rewards Credit Card 💳
- ✅ 5 Mins Approval
- ✅ No Annual Fee Forever!
- ✅ High Credit Limit
Nagsimula sa showbiz si Ate Gay taong 1999 sa pelikulang “Sa Paraiso Ni Efren”, pero mas nakilala siya ng marami bilang impersonator ni Superstar Nora Aunor at dito na ipinanganak ang kanyang stage name bilang si ‘Ate Gay’.
Kung ating babalikan, taong 2021 na diagnosed ang komedyante ng isang rare skin disease na dahilan sa kanyang pag-agaw buhay sa ospital, hindi niya umano maintindihan ang sakit na ito dahil ang kanyang balat sa buong katawan ay nagsusugat.
Bago siya nagkaroon ng rare skin disease, ibinahagi ng komedyante na kakatapos lang din niyang magpagamot sa sakit niyang TB o Tuberculosis sa loob ng anim na buwan.