How true kaya na may comeback sina Julia Barretto at Gerald Anderson matapos lumabas ang chika na nagkabalikan na sila?
Lumabas kasi sa mga ulat matapos inanunsyo ng Star Magic at Viva Artists ang hiwalayan ng celebrity couple ay spotted silang dalawa na magkasama sa burol ng tiyuhin ni Julia na si Mito Barretto.
Ayon sa mga source, magkasabay diumano silang dumating sa lamay at sabay rin silang umuwi, kaya hindi mapigilan na isipin ng mga saksi na baka raw ay nagkaroon na ng comeback o tuluyan na nagkabalikan ang dalawa.
Sa inilabas rin na pahayag ng talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang Instagram, napatanong rin ito kung ‘true or false’ na nagkabalikan na kaya sina Julia at Gerald.
Ani Ogie : “Nagka-balikan na nga ba sina Julia at Gerald?
“Kahapon daw sa wake ni Mito Barretto, magkasama raw dumating ang dalawa ng mga 7pm, tapos after midnight eh sabay ding umalis. True ba?
“Kung true at least, napatunayan nilang mahal pa rin nila ang isa’t isa. Otherwise, they remain [as] friends. Hayaan natin silang sumagot kung true or false.” dagdag ng talent manager.
Kung ating babalikan, umingay online ang chismis na may new boyfriend na diumano ang aktres na si Julia at ito ang businessman na si Lucas Lorenzo.
Naging usap-usapan kasi sa social media ang pagkaka-mabutihan umano nina Julia at Lucas matapos mabalitang hiwalay na sila ng aktor na si Gerald Anderson.
Kinaladkad rin ng mga netizens at ng mga Reddit users ang Signal HD spikers volleyball star na si Vanessa ‘Vanie’ Gandler, sa isang ulat kasi noong June 2025 dito na nag-umpisang ma-link ang player kay Gerald.
Ayon kasi kay Meg Perez na isang entertainment host, napansin umano nila na naging ‘regular’ na si Gerald sa kapanonood ng laro ni Vanie sa PVL o Premier Volleyball League.
Ani Perez : “Si Gerald [Anderson] laging nakikita na nanonood ng volleyball. Ang natsitsismis, mayroon isang member ng Philippine team, Alas Pilipinas, si [Vanessa] Gandler,
“Ito ay isang mestiza, beautiful parang si Jessy Mendiola, ‘yun ang tsini-tsismis na pinupuntahan o pinapanood ni Gerald.” dagdag pa ni Perez.
Samantala, agad naman na pinabulaanan ni Vanie ang chika na ito, aniya na walang katotohanan ang balitang nanonood si Gerald ng volleyball dahil lang sa kanya.
Ani Vanie : “Stop spreading fake news pls thanks!”
Sa ngayon habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng kanilang pahayag sina Julia at Gerald tungkol sa chika na nagkabalikan sila.